Isa ( 1 )
Dalawa ( 2 )
Tatlo ( 3 )
Ang bilis no?
Ganyan kabilis nagsimula,
Ganyan din kabilis nawala,
Pag-ibig mong di ko inakala,
Na darating sa buhay kong parang himala.Di man lang nakapagsalita,
Nung una tayong nagkita,
Siguro hindi man lang ako nakapaniwala,
Na andito kana sa aking harapan,
At tayo'y masayang nagkikwentuhan.Puno ng tawanan,
Ganyan ang ating samahan,
Bago sinubok ang ating pagmamahalan,
Sana maulit pa ang ating pinagsamahan,
Hanggang sa...Unti-unti ng nagbago,
Tila ika'y lumalayo,
Ang sakit lang isipin,
Na ang dating
Luha na tumutulo sa mata,
Dahil sa tuwa,
Ngayon ay dahil sa sakit na nadarama.Ang bilis mong sumuko,
Mga pangako'y unti-unti ng napapako,
Pagmamahalang masakit,
Tila ako nalang ang nakakapit,
Nitong pag-ibig na mapait,
Pwede bang maging masaya ako kahit saglit.Pero ayukong maging makasarili,
Kaya bibitawan na kita,
Inakala ko nuon ito'y imposibli,
Kaya sa...
Huling pagkakataon,
Alalahanin mong MAHAL KITA.Darating ang panahon,
Na ako'y aahon,
Galing sa sakit na pinaparanas mo sakin ngayon,
At sa pagkakataong iyon,
Nakalimotan kona ang ating kahapon.Kaya sa pagkakataong ito,
Suko na ako,
Paalam sayo,
MAHAL KO!
❗Plagiarism is a crime.
❗Please don't copy my works.
YOU ARE READING
My Precious Poems
PoetryThis is my compilation poem that I created. I hope you have time to read my works. Thank you 😊