Episode 3: Unspoken Emotions

15 1 0
                                    

Hapon na at wala nang masyadong tao sa school. Nakaupo sina Sunoo at Sunghoon sa isang sulok ng library, nag-uusap tungkol sa kanilang project. Tahimik ang paligid, tanging ang tunog ng mga pahina ng libro ang maririnig habang pareho silang nagbabasa ng mga research materials.

"Sa tingin mo, okay na ba itong mga nakuha natin?" tanong ni Sunoo habang iniabot kay Sunghoon ang kanyang mga notes.

Kinuha ni Sunghoon ang papel at binasa ito. "Oo, mukhang kumpleto na. Magaling ka palang gumawa ng research."

Ngumiti si Sunoo nang bahagya. "Salamat. Magaling ka rin kaya sa iba pang bagay."

Napatingin si Sunghoon sa kanya, tila hindi inaasahan ang mga salitang iyon. Sandaling nagkatitigan ang dalawa, at sa hindi inaasahang pagkakataon, naramdaman nila ang tila pag-usbong ng isang kakaibang koneksyon. Hindi man nila sinabi, ramdam nila ang alingasngas ng emosyon na hindi pa nila kayang bigkasin.

Nagbuntong-hininga si Sunghoon, pilit na pinipilit ang sarili na huwag isipin ang nararamdaman. "Tara, tapusin na natin 'to," sabi niya, bumalik sa kanilang ginagawa, pero hindi na mabura sa isip niya ang kakaibang tensyon sa pagitan nila ni Sunoo.

Kinabukasan sa klase, nakaupo si Sunghoon sa likod ng classroom, tahimik na nakatitig kay Sunoo habang nagle-lecture ang guro sa harapan. Hindi niya namalayan na mula sa kabilang gilid ng classroom, nakikita ni Jiwoo ang mga palihim niyang tingin.

Habang sumusulat si Jiwoo ng mga notes, napahinto siya nang mapansing halos hindi na tumitingin si Sunghoon sa guro. "Bakit ba siya laging nakatitig kay Sunoo?" tanong ni Jiwoo sa sarili. Mula noon, nagsimula siyang mag-isip.

Nang matapos ang klase, nilapitan niya si Jae-hyun. "Napansin mo ba si Sunghoon?" tanong niya.

"Bakit?" sagot ni Jae-hyun habang inaayos ang mga gamit niya.

"Parang lagi siyang nakatingin kay Sunoo. Hindi ko alam kung may ibig sabihin 'yon o baka naman ako lang ang nag-iisip nang sobra," sagot ni Jiwoo, halatang may pag-aalinlangan sa boses.

Tumawa si Jae-hyun. "Siguro nga wala lang 'yon. Pero kung gusto mo, tanungin mo si Sunghoon nang diretso para klaro," sabi niya nang pabiro, pero seryoso ang titig ni Jiwoo.

Hindi sumagot si Jiwoo, pero lalong naging malinaw sa isip niya na may hindi siya naiintindihan tungkol kay Sunghoon.

Alas-singko ng hapon, nag-iisa si Sunghoon sa art studio. Nasa harap siya ng isang sketchpad, gumuguhit ng tahimik. Ang bawat stroke ng kanyang lapis ay tila may bigat, puno ng emosyon at pagkalito.

"Ano ba talaga itong nararamdaman ko?" tanong niya sa sarili. Matagal na siyang may gusto kay Jiwoo, pero nitong mga huling araw, laging si Sunoo ang pumapasok sa isip niya. Ang bawat ngiti ni Sunoo, ang simpleng paraan ng kanyang pagsasalita—lahat ng iyon ay tila nag-iwan ng bakas sa puso ni Sunghoon.

Sinubukan niyang ilarawan sa papel ang nararamdaman niya. Sa gitna ng kanyang sketch, napansin niyang nagiging malinaw ang mukha ni Sunoo sa bawat guhit ng kanyang lapis. Napahinto siya.

"Bakit si Sunoo ang iniisip ko? tanong niya sa sarili, pinipilit pigilan ang mga damdaming patuloy na lumalago.

Nilapag niya ang lapis, iniwasan ang tingin sa kanyang sariling guhit. Pero kahit anong gawin niya, hindi niya maalis ang kaba na nararamdaman niya tuwing kasama si Sunoo.

Sa canteen, tahimik na nakaupo sina Hee-seung at Yuna. Habang kumakain, napansin ni Yuna ang pagiging tahimik ni Hee-seung, kaya bigla siyang nagtanong, "May problema ba, Hee-seung?"

Tumango si Hee-seung, tila nag-iisip ng malalim. "May gusto akong sabihin sa'yo," sabi niya, halatang alanganin.

"Anong gusto mong sabihin?" tanong ni Yuna, nakangiti, palaging handang makinig sa kanyang kaibigan.

Huminga ng malalim si Hee-seung bago nagsalita. "Matagal ko nang gustong sabihin, pero... gusto ko si Sunoo."

Nagulat si Yuna sa kanyang narinig, pero hindi ito nagpakita ng pagkabigla sa kanyang mukha. "Oh? Matagal mo na bang nararamdaman 'yan?"

Tumango si Hee-seung, sabay tingin sa kanyang pagkain. "Oo, pero... Hindi ko kayang sabihin sa kanya. Parang mas okay na manood na lang ako mula sa malayo."

Napangiti si Yuna, inilagay ang kamay sa balikat ni Hee-seung. "Bakit hindi mo subukang ipaalam sa kanya? Malay mo, pareho kayo ng nararamdaman."

Umiling si Hee-seung. "Hindi. Mukhang... may gusto na siyang iba."

End of Episode 3***

My First LoveWhere stories live. Discover now