CHAPTER 50: Panakip Butas!

29 4 6
                                    

CHAPTER 50: Panakip Butas!

LILY POV
          Nag hintay ako sakanya mag damag pero ni anino nya hindi man lang nag pakita,
Sana man lang nag sabi sya, mas maiintindihan ko pa kung ssabihin nya saking mas pinipili na nya si Jovs kesa sakin,

Maiintindihan ko naman dahil sya ang mas nauna kesa naman nag mumuka akong tanga dito kakahintay sakanya.

Inalala ko sya kaya hindi ko sya iniwan noong araw na gusto ko ng umalis noong nalaman kong bumalik na si Jovs, hindi ako umalis kc ayaw nya, hindi ko sya iniwan kasi mahal ko sya, pero bakit ngayun basta2 nya nalang akong iniwan ng wala man lang pasabi, akala ko parehas naming mahal ang isat isa hindi naman pala at mukang ako lang ang nag mahal sakanya kasi kung tlagang minahal nya ako hindi nya sakin to gagawin, ginawa nya lang akong panakip butas dahil wala si Jovs pero ngayun bumalik na bigla nya nalang akong iniwan..

Kaya una palang ayokung ayoku na pinag kukumpara kami kc ayokung isipin na minahal nya lang ako kc mag kamuka kami, na minahal nya lang ako kc nakikita nya sakin si Jovs..
Pero mukang yun tlaga ang katotohanan, masakit mang isipin pero minahal nya lang talaga ako dahil mag kamuka kami..

Tumayo ako at nag impake ng gamit, wala naman na akong dahilan para tumira pa dito sa bahay nya,
Pero hindi ko maikilos yung kamay ko dahil sa ng yari kagabi, gusto kong tawagan si Edlyn pero nasira nga pala yung cellphone ko kagabi at hindi ko alam kung saan sya pupuntahan.

Bahala na basta ang mahalaga maka alis na ako dito, ayokung maging pabigat kahit kanino man, ayokung maging hadlang sa kanila lalo at alam ko na sya na ang mas pinili nya kesa sakin.

Umalis ako ng bahay nya kahit hindi ko alam kung saan ako pupunta, gusto kong bumalik nalang sa baryo pero wala na akong pera, kylangan ko pang mag ipon ng pamasahe lalo at naubos yung pera ko dahil sa tuition fee..
Bakit ba kc pinanganak akong mahirap at mangmang, cguro kung nakapag aral ako agad at naging successful na ako bago ko pa makilala si Jhoan siguro hindi ko hahamakin yung sarili ko hindi ako manliliit na humarap ky Jovs para bawiin sya pero sa istado ng buhay ko ngayun alam kong wala akong laban sakanya, na umpisa palang mas bagay na sila..

Dahil hindi ko alam kung saan ako pupunta nag lakad lang ako, wala akong dinalang gamit ni isa sa bigay nya kc ayokung isipin nya na materyal na bagay lang ang habol ko sakanya.

Para akong wala sa sarili habang nag lalakad, hindi ko alam yung ng yayari sa paligid dahil yung sakit sa dibdib ko lang ang nararamdaman ko pakiramdam ko durog na durog yung puso ko at hindi ko alam kung paano ko pa ipag papatuloy ang buhay ko ng wala sya, natuto akong mangarap dahil sakanya pero paano ko ipag papatuloy ang pangarap ko ngayung wala na sya ..

Mahal na mahal kita pero bakit mo to sakin nagawa, 💔💔💔

(PPPPIIIIIIPPPPP!!!)

Nakarinig ako ng malakas na busina ng sasakyan, at pag lingon ko nasa harapan ko na yung sasakyan at nabangga ako..
Bigla nalang nag dilim yung paningin ko at hindi ko na alam ang kasunod na ng yari..
-----------

EDLYN POV
         Hi guys ako nga pala si Edlyn ang bestfriend ni Lily.. hindi ko alam kung ano ng balita sakanya ngaun simula kasi ng birthday party nya at biglang umalis si Doc na girlfriend nya, hindi ko na ulit sila nakitang mag kasama, madalas nakikita ko si Doc na sinusundo sya dati pero simula ng araw nayun nag co-commute nalang si Lily pauwi minsan nag lalakad lang sya, minsan ko na syang tinanong tungkol sa kanila dahil nga sobra na akong nag aalala sa kaybigan ko pero hindi sya nag kwento at inaaya nya lang ako uminom..

Gusto kong mkatulong sakanya pero hindi ko alam kung paano, sobrang naawa na kc ako sakanya halos ayaw na nyang mag aral, palagi nlng syang lasing malaki ang pinag bago nya at pinapa iwas nadin ako ng parents ko sakanya kc nga daw bad influence. Pero hindi ko sya sinukuan at alam kong kaylangan nya ako ngayun, at wala na syang ibang kakilala dito kaya lahat gagawin ko at di ko sya iiwan alam kong makakaya nya to at malalagpasan kung ano man ang problema nila.

Naitagpos namin ang isang taon sa college khit na madalang syang pumasok nakapasa naman sya dahil nga matalino tlaga si Lily..
Isang taon syang parang zombie na palagi nalang wala sa sarili alam kong about sakanila ni Doc ang problema nya, pero ayaw nyang mag kwento kaya hinahayaan ko nalang..

Hanggang sa ilang linggo na syang hindi pumapasok, tinawagan ko sya pero naka off yung phone nya, bigla akong kinabahan kaya nag madali akong pumunta kung saan sila nakatira ni Doc. wag naman sana sya mag suicide. hayy

(TOK TOK TOK)

EDLYN: Pards ako to. buksan mo yung pinto!!

(naka ilang katok ako pero walang nag bubukas, sumilip ako sa bintana at baka tulog lang sya pero nanlaki yung mata ko ng my makita akong dugo!)

EDLYN: PARDS ANONG NG YARI SAYU BUKSAN MO TONG PINTO!!!!

(hindi ko na alam ang gagawin ko kaya humingi na ako ng tulong, pwersahan na nilang binuksan yung pinto dahil nakita din nila yung madaming dugong nag kalat, pero pag bukas namin ng pinto, wala sya! sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na baka makita namin syang wala ng malay sa loob, pero wala sya walang tao dito sa bahay at puro bote lang ng alak, nakita ko din yung cellphone nyang sira at durog na durog kaya pala hindi ko sya matawagan, pero saan kaya sya nag punta? tinawagan ko yung iba pa naming kaybigan at baka alam nila kung nasaan si Lily, pero ni isa walang nakaka alam, gusto kong tanungin si Doc pero hindi ko alam kung saan ko sya hahanapin wala din akong number ni Donna yung friend ni Doc.)

Shit!!! sana naman ok lang sya masyado pa syang bata para ma matay pero siguro naman hindi pa sya patay..

Araw2 bumabalik ako sa bahay nila pero wala tlagang tao, khit si Doc mukang hindi narin umuuwi dito dahil makalat padin.

Bumalik na kaya sya sa baryo nila sa bundok? sana bumalik nalang sya dun, sana ok lang sya, kung sana mas napaaga akong nag punta dito sa bahay nila baka sakaling inabutan ko pa sana sya.. Hayyy

Si Lily na yata ang pinaka mabait at pinaka mabuting taong nakilala ko, khit hindi nya kilala handa nyang tulungan minsan my nakita syang pulubi, at yung kakainin nya nalang ibinigay nya pa, alam kong wala na syang perang pambili ulit nun pero binigay nya pa sa pulubi, hayyy...

Kaya madalas nililibre ko nalang sya, hindi naman ako mayaman pero ayoku naman na ako lang ang kakain at sya hindi, madami naman syang part time jobs khit pagod na pagod na sya maka graduate lang gagawin nya tlaga ang lahat para sa pangarap nya, pero hindi padin sapat lalo at mag isa nyang pinag aaral ang sarili nya sinabihan ko syang humingi ng tulong sa girlfriend nya pero ayaw nya at kaya nya daw. hayy

Ako ang saksi sa lahat ng pag hihirap nya matupad lang ang pangarap nya para sakanila ng Doc. at sya din ang inspiration ko na khit mahirap posible naman pala pero sa isang iglap nag bago yun at bigla nalang naging patapon ang buhay nya..

Sana tlaga ok ka lang ang bestfriend ko...
😔😔😔

END OF CHAPTER 50

I HATE MY EX !!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon