Part 1

926 23 14
                                    

Guys, first time ko gumawa ng story ng MikhAiah 😅😅 sorry na agad sa mga maling grammar at spelling, mapatagalog o english man, okie??!! 🥹🥹

**********

Mikha's POV

"Bye ate Aiah! Mamimiss ka namin!" paalam nila

Tahimik lang kasi ako dito sa likod nila

Nandito kami ngayon sa airport para ihatid si Ate Aiah, kahit pagod galing sa farm nila Ate Bea hinatid parin namin sya dahil yun yong usapan namin

"Mamimiss ko din kayo guys! Chat-chat tayo ha! Wag nyo akong kakalimutan!" sabi ni Ate Aiah

Niyakap nya isa-isa sila Ate Colet, Ate Maloi, Stacey, Jho, Gwen, at Sheena, maliban sakin, hindi naman kasi ako lumapit sakanya

"Bye guys! Alis na ako!" paalam ulit ni Ate Aiah habang kumakaway at naglalakad paatras

Nakatingin lang ako sakanya

Maya-maya tumalikod na sya hanggang sa hindi na namin sya makita

"Huy! Ang lalim naman ng iniisip mo!" panggugulat sakin ni Ate Colet kaya natauhan ako

"Nanggugulat ka naman eh..."

"May mga customer oh!"

Napanguso ako

"Bat hindi mo asikasuhin?"

"Edi sana katulad ako ni Naruto na marunong mag kagebunshin diba?! May ginagawa ako oh!"

Gumagawa pala sya ng iced coffee

Wala akong nagawa kundi ang sumunod sakanya

Lumapit ako sa customer

"Good Morning Ma'am, are you ready to order po?"

"Ahh yes, 2 milktea, wintermelon yung flavor, 2 iced coffee mocha, 1 order kare-kare, 1 whole chicken, 4 rice"

Agad kong isinulat yung order nila

"Dine in or take out?"

"Dine in"

"Copy po, okay lang po ba na magwait ng 20 mins?"

"Sure!"

"Thank you po!"

Bumalik ako sa counter para ibigay sa chef yung order na ulam at kanin, tinulungan ko naman si Ate Colet na gumawa ng iced coffee at milktea

Oo nga pala, hindi na nagtatrabaho si Ate Colet sa supermarket

Naalala ko pa yung araw na yon, don ko lang din nakita si Ate Deanna na galit na galit

1 year na din pala yung nakakalipas...

Flashback...

Nandito kami ngayon sa supermarket kung saan nagtatrabaho si Ate Colet

Maggo-grocery kasi kaming tatlo nila Ate Jema at Ate Deanna, dito namin napagpasyahan mag grocery dahil balak namin ayain si ate Colet mag lunch

Habang naglalakad kami may narinig kaming sigaw ng isang lalaki, pinapalibutan sila ng mga tao

"Anong meron?" tanong ni Ate Deanna

"B, hayaan mo na yan, makiki-chismis ka pa dyan eh!" sabi ni Ate Jema

"Ano bang nasa kukote mo ha?! Palagi ka nalang ganyan!" sigaw ng lalaki

"S-Sorry po"

Wait! Pamilyar yung boses....

Nagmadali si Ate Deanna sa paglalakad palapit sa nagkukumpulan na tao kaya sumunod kami sakanya

HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon