Aiah's POV
Nakangiti lang ako habang papunta sa office nila Ate Jema.
Excited akong makita sila lalo na yung baby nila ate Jema, hehe!
Pagbaba ko sa tapat ng office nila mas lalong lumaki yung ngiti sa labi ko
Naglakad ako at pumasok
Nakita kong nagkakagulo sila Maloi sa milktea
"Kamusta kayo guys??!!"
Sabay-sabay silang napatingin sakin
"AIAH!!/ATE AIAH!!"
Patakbo silang lumapit sakin at niyakap nila ako
"Hahah! Namiss ko kayo!" sabi ko
Napalingon ako kay Mikha dahil nilagpasan nya lang ako
Hindi nya manlang ako lalapitan?? Pero saan sya pupunta?
Maya-maya pumasok si Colet na nakangiti
"Aiah!!"
Lumapit sya sakin at niyakap nya ako
"Namiss kita bai!" sabi nya kaya natawa ako
"Namiss din kita! Namiss ko kayo, grabe! Isang taon din tayong hindi nagkita-kita" sabi ko
"O-Oo nga eh, g-gumanda ka lalo!" sabi ni Colet
"Thank you!" sabi ko sabay kurot sa pisngi nya
"Hala sya! Kilig yan?!" asar ni Maloi kay Colet
Nakita ko si Ate Jema na papalapit sakin
"Aiah! Buti nakabalik ka dito!"
Niyakap nya ako
"Oo nga eh! Nasaan yung baby mo?!"
"Nandon sa dada nya, ayaw nya daw kasing maalis sa tabi nya si baby D, hahah!" sagot nya
"Hahah! Pwede ko ba syang makita?"
"Oo naman! Halika"
Hinawakan nya yung kamay ko, pero bago kami umalis tumingin ako sa mga kaibigan ko
"Guys, wait lang ha"
"Go lang girl! Kwentuhan tayo mamaya sa restaurant nila ate Jema!" sabi ni Staku
"Sige!" sabi ko
Naglakad kami papunta sa office ni Ate Deanna
Pagpasok namin
"Oh! Aiah, nandito ka pala, kamusta?!" tanong sakin ni Ate Deanna, karga-karga nya yung baby
"Heheh! Dito muna ako, medyo magulo yung buhay ko don sa Cebu eh, hahah!"
Tumango si Ate Deanna
"Kila Jema ka parin ba tumutuloy?"
Umiling ako
"May condo na ako dito sa Manila" sagot ko
"Wow! Hahah! Nice! Namiss ka namin!" sabi nya kaya napangiti ako
"B, gusto nya daw makita si baby D" singit ni Ate Jema
"Oh! Sure! Gusto mong kargahin?"
Nakaramdam ako ng excitement
"Pwede?!" tanong ko habang nakangiti
"Oo naman!"
Yung totoo kasi nyan gustong-gusto ko ng mga baby!
Ang cute kasi!
Ibinigay ni Ate Deanna sakin si baby D
"Hello baby D!! I'm tita Aiah! Yung maganda mong Tita! Ang cute-cute mo!" sabi ko habang nakangiti pagkatapos sinayaw-sayaw ko sya
BINABASA MO ANG
HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)
FanfictionBasahin nyo nalang... Mga Bii.. basahin nyo muna yung HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong) bago itong story