Part 6

371 12 0
                                    

Aiah's POV

SATURDAY...

Papunta kami ngayon ni Mikha sa Tanay, nagrent lang din ako ng car, masyadong nakakapagod kasi kung commute lang kami

"Ate Aiah, saan ba tayo pupunta?" tanong nya

"Dun sa Tanay, camping heheh!" sagot ko

"C-Camping?! Bat hindi mo naman sinabi?!"

Tumingin ako sakanya

"Bakit?"

"Akala ko pa naman sa mall lang, wala akong dalang extrang damit eh"

Naka-pants at jacket lang kasi sya ngayon

Ngumiti ako

"Alam ko, kaya nga nagdala ako ng extrang damit, heheh!"

Napasandal sya sa upuan

"Nagdala din ako ng isang tent, airbed, kumot, may ihawan din, tapos mga pagkaen at tubig" dagdag ko pa

"Tsk! Dapat sinabi mo parin sakin, hindi ako ready"

"Okay lang yan!" sabi ko

Maya-maya nandito na kami sa camping site

Inilabas ko na yung tent na dala ko

"Mikha Lim, help naman oh, ang bigat nito"

Lumapit sya sakin at tinulungan nya ako

"Thank you!"

"Kaya mo na sigurong itayo yan diba?"

"Oo naman, automatic naman to eh, look oh!"

Ipinakita ko sakanya kung pano itayo yung tent, sa isang iglap lang nakatayo na ito

"Ohdibwaaa!! Ang bilis lang, hahah!" sabi ko kaya natawa sya

Atleast tumawa na sya ngayon, kanina kasi ang seryoso nya eh

Inilabas ko na din yung dalawang camping chair na dala ko

"Boss, umupo ka muna oh, nakakahiya naman sayo eh"

Ibinigay ko sakanya yung isang upuan

"Thank you"

Ilang sandali pa yung lumipas at naayos ko na yung loob ng tent

Hindi manlang ako tinulungan ng babaeng to! 😒

Tumingin ako sa paligid

Mabuti nalang at kaunti lang yung nag camping ngayon

Tumabi ako kay Mikha

"Okay ka lang?"

Tumango sya

"Mm, nakakarelax pala talagang magcamping no?"

Ngumiti ako

"Diba?! Sabi sayo eh!"

Malapit na palang dumilim, lumalamig na din kaya napayakap ako sa sarili ko

"Nilalamig ka?" tanong nya

"Mm, medyo, nakalimutan ko sa condo yung jacket ko eh" sagot ko

Hinubad nya yung jacket nya

"Oh, gamitin mo muna"

"Pano ka?"

"Okay lang, sanay naman ako sa malamig"

Ngumiti ako

"Sweet, sweet naman ni Mikha Lim! Thank you!"

Dahil malapit ng dumilim inihanda ko na yung mga pagkaen namin, sinadya ko talagang magdala ng kanin at ulam para hindi na kami nagluto, pero nagdala din ako ng hotdog dahil gusto kong mag-ihaw

HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon