Part 7

202 14 0
                                    

Mikha's POV

MONDAY...

Papunta kami ngayon sa Tagaytay, nakaupo ako dito sa passenger seat samantalang nasa likuran naman sila Ate Colet at Ate Jema

"Miks! Back up naman dito sa Sakura!" sabi nya

Nag-C-COD kasi kasi habang nasa byahe. Natutuwa din ako kasi okay na si Ate Colet, masigla at makulit na ulit sya

"Wait mo ko dyan, kunin ko lang yung loo--ay putek!! May kalaban!" sabi ko

"Saan daw natin dadaanan si Jho at Aiah?" tanong ni Ate Deanna kay Ate Jema kaya napatingin kami sakanya

"Sasama si Ate Aiah?/Sasama si Aiah?" sabay naming tanong ni Ate Colet

Natawa si Ate Deanna

"Oo. Talagang sabay pa kayo magtanong ha, focus sa COD, baka mamatay kayo. Hahah!" asar nya samin

Pagtingin ko sa phone ko

Ayun na nga, nabaril na ako

"Miks, revive mo ako, heheh! Nabaril ako eh" sabi ni Ate Colet, lumingon ako sakanya

"N-Nabaril na din ako eh"

"Hahahahah! Sabi sainyo eh" asar ulit ni Ate Deanna

Kainis!

"Sa tapat daw ng condo ni Aiah B, kasama na nya si Jho" sagot ni Ate Jema

"Hindi pumasok si Jhoanna ngayon?" tanong ni Ate Colet

"Naka-leave din sya, may usapan ata sila ni Aiah ngayon, kaso nalaman ni Aiah na pupunta tayo sa Tagaytay kaya sasama nalang daw sila" sagot ni Ate Jema

"Yey! Makakasama ko si Aiah ngayon" masayang sabi ni Ate Colet

Napangiti ako

Maya-maya lang at nakarating na kami sa tapat ng condo ni Ate Aiah

"Woah! Ito pala yung condo ni Aiah? Ganda!!" sabi ni Ate Colet habang nakadungaw sa bintana

"Nasaan daw sila B?" tanong ni Ate Deanna

"Nasa tapat ng entrace B" sagot ni Ate Jema

Pagdating namin sa tapat ng bldg. agad kong nakita si Ate Aiah at Jho

"Ayon sila oh" turo ko

Huminto si Ate Deanna sa tapat nila Ate Aiah

"Hello!! Heheh!" bati ni Ate Aiah

"Hi Aiah! Pasok!" sabi ni Ate Colet habang nakangiti

Umupo si Ate Aiah sa tabi ni Ate Colet, katabi naman ni Jho si Ate Jema

Sumandal ako sa upuan

"Buti sumama ka Aiah" rinig kong sabi ni Ate Colet

"Kasi kasama ka" rinig kong sagot ni Ate Aiah, naimagine ko naman kung pano kiligin si Ate Colet

"Yiieh! Wag kang ganyan, baka mamaya ligawan kita bai! Haha!"

Lihim akong napairap dahil sa narinig ko

"Hahah! Buang ka talaga Colet"

Bakit naiinis ako??

Nagulat ako nang silipin ako ni Ate Aiah

"Hi Mikha Lim! Hehe!" bati nya sakin

Ngumiti lang ako pero pilit

"Hala, masama ba yung gising mo?" tanong nya sakin

Umiling ako

"Hindi naman" sagot ko

Binalik ko yung atensyon ko sa paglalaro

HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon