Aiah's POV
Maaga akong pumasok sa work ngayon. Ako na din yung nagbukas ng restaurant dahil wala pa sila Mikha.
Late na sila ha...
Maya-maya...
"Ang sakit nila sa ulo!" rinig kong sabi ni Mikha pagpasok nila dito sa restaurant
Bumilis yung tibok ng puso ko. Napatingin din ako sakanila sabay ngiti
"Good Morning!" bati ko habang nakatingin kay Mikha
"Good Morning Aiah!" bati din sakin ni Colet habang nakangiti
"Kapag si Ate Jema naglayas ng bahay hindi nanaman tayo makakakaen ng masarap nito!" patuloy ni Mikha sa pagsasalita habang naglalakad papunta sa counter
"Parang sinabi mo naman na pangit luto yung ko?" tanong ni Colet
"Bakit? Sinong nag-away?" nagtatakang tanong ko
Tumingin sakin si Colet
"Ay, heheh, sila Ate Jema at Ate Deanna, nag-away kasi sila kagabi" sagot ni Colet
"Oh? Bakit daw?"
"Eh ayon, heheh! Nakipag-usap kasi si Ate Deanna sa EX nya kaya nagselos si Ate Jema" kwento ni Colet
"Oh?? Hindi parin sila okay?"
"Hindi pa eh, heheh! Kaya nga wala kaming almusal!"
Tumingin ulit ako kay Mikha. Nakita kong may binabasa sya sa phone nya.
Ni hindi manlang nag good morning! Hmp!
Kahit 'morning' nalang sana oh... kahit wala na yung 'good' 😒
"Ate Colet, ngayon na pala yung delivery ng mga gamit" sabi ni Mikha, nakatingin parin sya sa phone nya
Sino bang kachat nito?
Maya-maya ngumiti sya kaya tumaas yung isang kilay ko
Lumapit ako sakanya
"Miks"
Tumingin sya sakin pero saglit lang
"Mm??"
"Sabay tayong magbreakfast?" tanong ko sakanya
"Busog pa ako eh, kayo nalang ni Ate Colet" sagot nya pagkatapos pumasok na sya sa staff room
Tumingin ako kay Colet
"Pst, okay lang ba yon?"
"Heheh! Okay lang yon" sagot nya
"Akala ko ba hindi pa kayo nag-aalmusal?"
"Oo nga, hindi ko alam kung bakit nabusog yun, baka kachat si crush nya?"
Ehh??
"Sinong crush nya?"
"Hindi ko alam, baka yung kameet up nya kagabi" sagot nya
Nakaramdam ako ng inis
Maya-maya may babaeng pumasok dito sa restaurant
"Good Morning Mam!" bati namin ni Colet
"Mm... Good Morning! Nandito ba si Mikha Lim?" tanong nya
Tiningnan ko sya mula ulo hanggang paa
Sino to??
"Nandon sya sa staff room, wait... tawagin ko" sabi ni Colet
"Thank you!" sabi nya sabay ngiti
BINABASA MO ANG
HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)
FanfictionBasahin nyo nalang... Mga Bii.. basahin nyo muna yung HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong) bago itong story