Part 8

249 15 0
                                    

Colet's POV

Nakatingin ako kay Aiah at Mikha. Nasa likuran kasi kami ni Jho

Nakita kong itinaas ni Aiah yung kamay nya habang hawak yung kamay ni Mikha

Yung totoo nyan kanina pa ako nagseselos

Nakita ko yung pagbigay ni Mikha kay Aiah ng flowers

Yung pagbuhat ni Mikha kay Aiah

At yung kung pano tingnan ni Mikha si Aiah

Wala lang yon Miks diba? Alam ko naman na hindi mo ako tataluhin eh...

Pagkatapos namin sa vikings pumunta kami sa bumper cars

Habang nakapila kami...

"Huy! Okay ka lang?" tanong ni Jho sakin

"O-Oo naman" sagot ko

"Eh bakit nakasimangot ka?"

"W-Wala"

Pinagmasdan ni Jho yung mukha ko kaya umiwas ako

"I-Ikaw na yung mauna" sabi ko sabay tulak sakanya

"Makatulak naman to!" reklamo nya

Ilang sandali lang at nakasakay na kami sa car

Panay yung bangga ko sa sasakyan ni Mikha

"Ate Coleeeet! Grabe ha! Ang lakas ng bangga mo! I swear! I almost flew out of the car!" reklamo nya

Ngumisi ako

"Chill! Bumper cars lang ‘to! it’s just a game Miks! Nagsasaya lanh yung tao eh" sagot ko sabay bangga ulit sakanya

"Ay! Nagsasaya?! Eh parang you’re trying to send me to outer space ehh!"

Binangga ko ulit sya

"Ate Coleeet!! Stop it!! Ano ba?!"

Hindi parin ako nakinig kaya binangga ko ulit sya

"Ah ganon?!"

Umikot sya pagkatapos binangga nya din yung car ko

Nagbanggaan kaming dalawa at hindi ako nagpatalo

"Huy! Baka mag-away kayo nyan?" saway samin ni Jho

"Wag ka ngang makialam!" sigaw ko sakanya pagkatapos binangga ko ulit si Mikha

Napailing si Mikha habang nakatingin sakin, alam kong naiinis na sya

Umiwas sya sakin pero hinabol ko sya at binangga ulit yung car nya

"Ate Coleettt!!!" sigaw nya ulit

"Hahah! Oo na! Sorry!" sabi ko pagkatapos lumayo na ako sakanya

Marami pa kaming sinakyan na rides, minsan nakakasama ko si Aiah, pero madalas syang dumidikit kay Mikha

Kinagabihan nag-aya ng magdinner sila Ate Deanna, uuwi na din daw kasi kami pagkatapos ng dinner dahil may trabaho pa bukas

Napagpasyahan namin na sa Leslie's nalang kumaen ng dinner

"Grabe! Ang lamig na!" sabi ni Aiah habang nakayakap sa sarili nya

Tumayo si Mikha at hinubad nya yung jacket nya

"Ate Aiah oh, suotin mo muna tong jacket ko"

Napairap ako dahil sa inis

"Thank you!"

Kinuha ni Aiah yung jacket ni Mikha at sinuot iyon

Bakit kasi hindi ako nagdala ng jacket???

"Wow! Mukhang masarap yung mga inorder mo B!" sabi ni Ate Jema

HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon