Mikha's POV
Nakatingin lang ako sakanya habang nagma-mop sya
Alam kong inis na inis na sya sakin
"Ouch!"
Rinig kong daing ni Ate Aiah, lalapitan ko sana sya pero naunahan ako ni Ate Colet, nagulat pa ako nang banggain nya ako at tingnan ng masama
"Aiah, okay ka lang ba?!"
"M-May tumusok lang sa kamay ko" sagot ni Ate Aiah
"Patingin!"
Hinawakan ni Ate Colet yung kamay ni Ate Aiah para icheck kung may sugat
"Tsk! Nagdugo oh! Dito ka lang, kukunin ko yung gamot!" sabi ni Ate Colet
Nagmadali syang pumasok sa staff room
"Mag-uusap tayo mamaya!" bulong nya pagkatapos nilagpasan nya ulit ako
Maya-maya nililinisan na ni Ate Colet yung sugat ni Ate Aiah
Nakatingin lang ako sakanila
Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko, naiinis ako!
Siguro naiinis lang ako kasi hindi nya ginagawa ng maayos yung trabaho nya? Tama! Ganon nga lang yon...
Nakita kong nagtawanan silang dalawa kaya iniwas ko yung tingin ko, pero hindi ko mapigilan yung sarili ko kaya sumulyap ulit ako sakanila
"Thank you Colet! Ang bait mo talaga!" rinig kong sabi ni Ate Aiah
"Basta ikaw Aiah! Heheh!"
Maya-maya lumapit si Ate Colet sakin
"Usap tayo sa labas..."
Nauna na syang maglakad kaya sumunod ako sakanya
"Anong pag-uusapan natin?" tanong ko nang makalabas kami
Humarap sya sakin
"Bakit naman ganon yung trato mo kay Aiah? Kakastart nya palang ngayon oh!"
Huminga ako ng malalim
"Ate Colet, I'm just doing my job! Alangan naman na hayaan ko lang syang nakatunganga sa 1st day nya??"
"Naiintindihan ko yun Miks! Pero sobra naman kasi yon!"
Alam kong galit sya
"Anong nangyayare dito??"
Sabay kaming napatingin kila Ate Maloi
Oo nga pala, lunch na nila
"Nag-aaway kayo??" tanong ni Staku
"Ito kasing si Mikha eh, kung pahirapan si Aiah kala mo hindi kaibigan!" sumbong ni Ate Colet
"Ano ba?? Sabing ginagawa ko nga lang yung trabaho ko eh! May masama ba don?? Gusto kong matutunan nya yung mga gawain dito!" paliwanag ko
"Colet naman, ang OA mo, trabaho lang pala eh!" sabi ni Ate Maloi
"Pero sadista sya eh!" sigaw ni Ate Colet
"Oh! Chill!!" saway ni Sheena
"Bakit ba pagdating kay Aiah eh natataranta ka?! May gusto ka ba sakanya?!" tanong ni Ate Maloi kay Ate Colet
"Pag sinabi kong meron may problema ba?! At alam mo yun Miks! Halos araw-araw kong sinasabi sayo yon!"
Natahimik si Ate Maloi
"Ate Colet, inuulit ko, trabaho lang yung ginagawa ko dito, okay?? Ihiwalay mo yang feelings mo sakanya kapag nagtatrabaho tayo!" sabi ko sabay walk out
BINABASA MO ANG
HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)
FanfictionBasahin nyo nalang... Mga Bii.. basahin nyo muna yung HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong) bago itong story