Mikha's POV
"Pero thank you talaga! Heheh! Hayaan mo, ako ng bahala kay Aiah, labas na ako, kakamustahin ko lang sya" paalam ni Ate Colet
Nakatingin lang ako sakanya habang naglalakad palabas
Hindi nya naman ako pagseselosan diba??
Maya-maya lumabas na din ako sa office at nakita kong nagkukwentuhan na sila Ate Colet at Ate Aiah habang nagtatrabaho
Nagkatinginan kaming dalawa ni Ate Aiah at parehas din kaming napangiti
"Ate Aiah, diba hindi ka pa nagb-breakfast?" tanong ko sakanya
"Mm, ikaw nga din eh, sabay na kaya tayo?"
"Pwede naman, wala pa namang customer eh" sagot ko, tumingin ako kay Ate Colet, "Sabay kana din samin"
"Sige" sagot nya
"Anong gusto nyo? Magpapaluto ako"
"Ramen nalang sakin" sagot ni Ate Colet
"Clubhouse sandwich nalang" sagot naman ni Ate Aiah
Tumango lang ako pagkatapos pumasok ako sa kitchen area
"Kuya, magpapaluto po kami ng breakfast, 2 Ramen and 1 clubhouse"
"Okay po Mam"
"Thank you"
Bumalik ako kila Ate Colet at umupo ako sa tabi ni Ate Aiah
"Wait, gagawa lang ako ng coffee" paalam ni Ate Colet kaya naiwan kaming dalawa ni Ate Aiah dito sa pwesto namin
"Buti hindi sumakit yung leeg mo"
Natawa ako
"Oo nga eh"
"Bakit kasi hindi ka tumabi sakin? Natulog ka ng nakaupo eh!"
"Eh, nahihiya pa ako eh, sanay kasi ako na si Ate Colet yung katabi ko" sagot ko
"Arte naman!" asar nya sakin, sabay din kaming natawa
"Wait, nagtanong ba sayo si Ate Colet kung bakit maga yang mata mo?"
Tumango sya
"Oo, sabi ko nagdrama lang ako sayo kagabi, hahahah!"
Ngumiti ako
"Alam mo, namiss ko talaga to" sabi nya
Tumingin ako sakanya
"Yung alin?"
"Itong bonding natin, ilang araw na akong malungkot dahil sayo!"
Sinabi na din nya yan kagabi, ayaw mag move on teh?
"Bakit ka naman nalulungkot?"
"Eh kasi nga diba? Nasabi ko sayo kagabi na ilang araw mo na akong hindi pinapansin, tapos ang sungit mo din, tapos nung dumating ako dito nilagpasan mo lang ako!"
Natawa ako
"Wow! Ang dami mong sama ng loob sakin ha!"
"Talaga! Nakakainis ka! Ni wala manlang hug! Nilagpasan lang ako! Sa ganda kong to?!"
Mas lalong lumaki yung ngiti ko habang nakatingin sakanya
"Pano ba ako makakabawi?"
"Tapos... tapos hindi manlang nagcha-chat sakin nung nasa Cebu pa ako! Ni hindi manlang ako kamustahin oh! Kala mo hindi kaibigan!"
Hahahah! Ang cute magtampo! 😆
Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng kilig, ang cute nyang magtampo!
BINABASA MO ANG
HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)
FanfictionBasahin nyo nalang... Mga Bii.. basahin nyo muna yung HOW TO UNLOVE YOU? (GaWong) bago itong story