Part 10

301 15 4
                                    

Colet's POV

Naiiyak ako dahil sa selos! Kagabi pa ako nagseselos! Piskit!!

"Colet..."

Mas binilisan ko yung paglalakad ko pero nahawakan nya ako sa kamay

"Ano ba?!" sigaw ko

"Wag ka naman magalit! To naman!"

"Maloi, ano nanaman bang kailangan mo?!"

"Pwede bang isantabi mo muna yang selos mo?! Nasa bakasyon tayo oh!"

"Alam mo, nakakainis ka!"

"Hala! Bakit?"

"Kagabi ka pa! Panay yung tukso mo sa dalawa! Tapos yung dare mo ang pangit! Wala ka na bang maisip?! O baka wala ka lang talagang isip?!"

"Grabe ka naman! Sorry na! Game lang naman yon eh!"

"Lumayo ka nga sakin! Piskit! Umiinit yung ulo ko sayo eh!"

"Ikaw na nga tong dinadamayan"

"Hindi ko sinabing damayan mo ako!" sigaw ko

"Okay! Fine! Aalis na!" sabi nya pagkatapos umalis na sya

Kainis!! Pati tuloy sya nasungitan ko!

Umupo ako

Feeling ko may gusto si Mikha kay Aiah

Iniling ko yung ulo ko

Hindi! Wag kang magalit Colet! Sabi naman ni Mikha hindi sya maiinlove kay Aiah diba?!

Pero nakakaselos parin!

Palagi syang tinatabihan ni Aiah!

Kailangan ko na bang sabihin kay Aiah yung nararamdaman ko??

Kaso baka mailang sya sakin?! Nakakahiya!

"Okay ka lang?"

Napatingin ako sa nagsalita

Ate Pangs...

Umupo sya sa tabi ko

"May problema ka ba?"

Umiling ako

"W-Wala lang ako sa mood te" pagsisinungaling ko

"Talaga?"

Tumango ako

"Kulang lang sa tulog" sagot ko

"Nakita ko parang nag-aaway kayo ni Maloi kanina ha"

"N-Nasungitan ko lang po sya"

"Pinopormahan ka ba? Ayiiee!" asar nya sakin, binangga nya din ng mahina yung balikat ko

"Si Ate talaga.. Magkaibigan lang po kami ni Maloi. Saka may iba akong gusto" sagot ko

Nakangiti sya habang nakatingin sakin kaya nakaramdam ako ng pagkailang

"B-Bakit po?"

Mas lalong lumaki yung ngiti sa labi nya

"Alam mo. Minsan hindi natin nakikita yung taong totoong nagmamahal satin kasi nakafocus lang tayo sa taong gusto natin"

Kumunot yung noo ko

Hindi ko gets...

"Dati, mahal na mahal ko si Ate Jema mo, sabi ko nga sa sarili ko kapag sinagot nya ako pakakasalan ko talaga sya. Hindi ko gagawin yung mga ginawa ni Deanna! Ituturing ko syang reyna!"

Nakatingin lang ako sakanya

Napailing sya sabay ngisi

"Haha! Pucha! Handa akong lumaban dati wag lang syang mawala sakin eh."

HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon