Part 9

268 15 4
                                    

Aiah's POV

Hindi ko talaga ineexpect na makikita ko dito si Jeremy!

Ang sakit parin 🥹

Nakatingin lang ako kay Mikha habang sinusuot nya sa paa ko yung sapatos nya

Mikha Lim! Bakit ka ba ganyan? 🥹🥹

Tumayo sya

"Lagi nalang ikaw yung kasama ko kapag umuulan" sabi ko habang nakatingin sa langit

Bumuntong hininga sya

"Pansin ko nga"

"Pero thank you"

Umupo sya kaya umupo din ako, isinandal ko din yung ulo ko sa balikat nya

"Thank you kasi ikaw yung laging nandyan kapag malungkot ako"

Inakbayan nya ako

"Baka kasi ako talaga yung kailangan mo?"

Napatingin ako sakanya, hindi ko inaasahan na nakatingin din pala sya sakin kaya nagkatitigan kaming dalawa

Bumilis yung tibok ng puso ko

Tiningnan ko yung kanang mata nya pababa sa labi nya, pagkatapos tumingin ako sa kaliwang mata nya

"J-Joke!! H-Heheh!! Joke lang yon Ate Aiah, heheh!" sabi nya sabay iwas sakin

Napangiti ako

"Haha! Baka ikaw nga" bulong ko

"H-Ha??"

"Pag niligawan ba kita papayag ka?" tanong ko

"Huy! Para kang baliw! Wag ka ngang ganyan!"

Natawa ako

"Eh bakit namumula ka?"

"H-Hindi ah!!"

"Weh? Namumula ka eh"

"Hindi nga! Alam mo kapag ako nainis sayo ibabalik kita don sa ex mo!"

"Ayaw mo sakin?"

Tumingin sya sakin kaya kinindatan ko sya

Hahaha! Ang sarap nyang asarin! 😆 nawawala yung lungkot ko!

"Siguro kasi hindi ako maganda kaya hindi mo ako magugustuhan!"

"Ate Aiah, anong nakain mo?? Nababaliw kana ba?"

"Joke lang, ito naman..."

"U-Umuwi na nga tayo!" pagsusungit nya

Hahahah! Nabadtrip na nga! 😆

Pero nagulat ako nang hawakan nya yung kamay ko at sabay kaming tumakbo

Nakatingin lang ako sakanya

Para bang nag slow mo yung galaw namin.

Lumingon sya sakin habang nakangiti

"Bilis Ate Aiah, haha!" sabi nya

Napangiti din ako at humigpit yung pagkakahawak ko sa kamay nya

Maya-maya lang at naihatid na ako ni Mikha sa condo ko, dito ko na sana sya pinapatulog pero tumanggi sya

Hindi nawala sa isip ko si Mikha hanggang sa makatulog ako

KINABUKASAN...

"Good Morning!!" bati ko sa dalawa pagdating nila dito sa restaurant

"Wow! Ang aga mo ngayon Aiah" sabi ni Colet

Ngumiti lang ako sabay tingin kay Mikha

"Okay kana ba?" tanong nya sakin

HOW TO UNLOVE YOU? (MikhAiah)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon