Hi Ken,
Naalala mo pa ba ung araw na unang nagkita tayo? Ako tandang tanda ko pa. Nageenroll kami nila mama sa school na kayo ang may ari. Napansin kita kasi para kang ewan na nakasilip sa may kurtina. Habang nag eenroll kami, nakita ka ng mama mo na nakasilip sa kurtina, sabi sa amin ng mama mo, "Kaklase mo ung anak ko. ayun siya." so ako walang pake sayo nun.
Pagdating namin nila mama sa bahay sabi niya sa kin "Cute nung anak ni Ma'am. napansin mo ba?" sagot ko naman "Cute ba? di ko napansin". Nung una talaga wala akong pake sayo. Hindi ko napansin na cute ka pala.
Nung first day, napakapasaway mo na agad, nag iinarte ka nun eh, ayaw mo pa magpakilala nun, kasi sabi mo kilala ka na naming lahat. Naartehan at medyo nayabangan ako sayo nun. Kaya wala pa din akong pakialam sayo. After ilang weeks or a month, medyo nag uusap na tayo. Onti onti na kitang nagugustuhan. Hindi ko alam kung bakit, basta nagugustuhan na kita.
Isang araw, nagkayayaan tayong magkakatabi na maglaro, ang weird nga nung laro natin eh, aminan ng crush, tas dapat araw araw iba ibang tao sasabihin natin pero ung nasa room lang dapat. Halos lahat ng matino na lalaki sa room ay nasabi ko na, ikaw na lang ang hindi, kaya nung last na laro natin, ikaw na ung sinabi ko. Ewan ko ba, basta bigla na lang lumabas sa bibig ko ung pangalan mo. Pero sabi ko na lang sa sarili, "wala naman sigurong maniniwala sa kin kasi araw araw dapat ibang name ang sasabihin".
After ng ilang days,during lunch break natin, nagbabasket ball kayo, pumunta kami ng best friend ko dun, tapos napansin mo kami na andun, biglang sabi mo, "Para kay Ann to" tas shinoot mo na ung bola pero di siya nashoot, tumalbog lang sa ring. after nun biglang takbo kami paalis dun ng best friend ko. Kahit di mo na shoot, super kinilig pa din ako. Kaya kami umalis dun dahil kinikilig na ko ng bongga at baka di ko na mapigilan. Para akong ewan no? Simpleng ganun lang kinikilig na agad ako.
---
Ann