Letter 7

4 0 0
                                    

Hi Ken,

Ilang months na ang nakalipas mula nung naging kayo ni Elle. Alam ko na masaya ka na sa kanya. Habang ako, nasasaktan pa din.

Nagkayayaan ang tropa na magkaron ng parang team building. Lahat kasama, so ibig sabihin kasama ka at si Elle. Naisip ko, wag na lang kaya akong pumunta. Magreason na lang kaya ako na may emergency kaya di ako makakapunta. Pero nahiya ako sa mga kaibigan natin. Minsan lang sila mag aya kaya pinagbigyan ko na.

Nakikita ko kayong dalawa. Ang sakit sakit. Di ko makaya na makita kayo. Gustong gusto ko na umalis pero di pwede. Nilipat ko sa iba ang atensyon ko pero di ko pa din mapigilan na tumingin sayo. Gustong gusto ko lumapit sayo at tanungin ka, "Anong meron siya na wala ako? Bakit siya? Bakit hindi ako? Di mo ba talaga akong kayang mahalin?" Lahat ng tanong na yan sinagot ko, sabi ko sa sarili ko "Maputi siya, maporma siya, payat siya, mahinhin siya, ewan ko lang kung mabait siya." Siguro kaya ayaw mo sa akin kasi di ako maputi, di ako payat, di ako maporma, at di ako kasing hinhin niya. Nagfocus na lang ako sa mga games para mawala atensyon ko sa inyong dalawa.

Ang hirap kaya magpanggap na masaya. Ang hirap tumawa kasi gustong gusto mo na umiyak. Ang hirap magpanggap na ok ka lang, na walang problema. Ang hirap magpanggap.

Pagkatapos na pagkatapos ng team building niyaya ko na umuwi si May, sinabi ko sa tropa na pagod na ko kaya gusto ko na umuwi pero ang totoo sobra na akong nasasaktan at hirap na hirap na ko magpanggap.

Pagka alis namin gustong gusto ko na umiyak. Kahit alam ko na alam ni May kung bakit nag yaya na akong umuwi di ko pa rin sinabi sa kanya at pinigil kong umiyak.

Ang hirap magpanggap.

---

Ann

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon