Letter 6

4 0 0
                                    

Hi Ken,

Alam mo ba na sobra akong nasaktan at nalungkot nung naging madalang ka na magtext sa akin. Akala ko ba mahalaga ako sayo. Akala ko ba andyan ka lang para sa akin. Akala ko ba di mo ako iiwan.

After ilang weeks nalaman ko na lang na may nililigawan ka na. Sobrang sakit. Umasa ako na mamahalin mo din ako. Umasa ako na di mo ko sasaktan. Umasa ako na di mo ako iiwan. UMASA AKO. Napaka tanga ko dahil umasa agad ako. Sobra akong nasaktan.

Tuwing magkikita tayo, nagpapanggap ako na ayos lang tayo, na parang walang nangyari. Pero deep inside sobrang sakit.

Isang gabi, nag gm ka. Nakalagay sa dulo ng gm mo na "wag niyo ako itext, si Elle lang pwede mag text." SOBRANG SAKIT! Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Inis na inis ako sayo nung gabing un. Gusto ko umiyak, gusto ko magwala pero di ko magawa. Nag gm na lang ako para kahit papaano mabawasan ung inis at sakit. Pero ang tanga tanga ko talaga. Biruin mo yun, napadaan kita nung gm. Di ko alam na nadaanan ka nung gm. Nagulat na lang ako nung nagtext ka sa akin. Nag sosorry ka. Alam mo ba hiyang hiya ako nun. Hindi ko alam kung ano irereply ko sayo, di kita nireplyan. Tinext ko agad si Kuya Axe, sinabi ko sa kanya ung katangahang nagawa ko. Nag gm ako para mabawasan ung inis ko pero lalo lang akong nainis. Nainis ako sayo kasi nasaktan mo ako lalo nung nagsorry ka. Nainis ako sa sarili ko kasi ang tanga tanga ko at di ko man lang chineck ung group ng sinendan ko. Instead na gumaan ung pakiramdam ko, lalong bumigat.

Di na ako masyadong nagpapakita sayo. Halos araw araw nagtetext ka sa akin. Nagsosorry ka sa akin. Di kita nirereplyan kahit anong text mo sa akin. Pinipigilan ko sarili ko na replyan ka. Hanggang sa dumating ung araw na di ko na napigilan sarili ko at nireplyan kita. Nagsorry din ako sa ginawa ko. Sabi ko, kasalanan ko din naman.

After ilang days nalaman ko na kayo na pala ni Elle. Sobrang sakit. Halos gabi gabi akong umiiyak. Ung tipong pag iyak ko na ang nagpapatulog sa akin. Sobra akong nasaktan. Mas lalo tayong naging malayo sa isa't isa. Ung dating laging magkausap, laging magkabiruan, nawala na. Di na tayo nag uusap, kahit tignan natin ang isa't isa di na natin ginagawa. Parang stranger tayo.

Nakakalungkot ang nangyari sa atin. Alam kong kasalanan ko naman. Ako ung umasa, ako ung nag assume kaya ako ung nasaktan.

---

Ann

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon