Hi Ken,
Hindi kita maintindihan. Minsan may care ka sa akin, minsan wala. Minsan kinakausap mo ko o inaasar mo ko, minsan naman parang wala kang pake sa akin, ung parang di ako nageexist. Ang gulo mo.
Naalala ko pa nung grade 6 tayo, nagbabasketball kayo, naglalakad naman ako papunta sa room ng kapatid ko, biglang natumbahan ako nung isa nating classmate, anlaki pa naman niya tapos ako ang liit ko lang. Umiiyak ako nun, sino ba naman di iiyak kung madaganan ka ng mas malaki sayo tapos lalaki pa, ang liit ko pa. hahaha. Tinulungan niyo akong tumayo, dadalin niyo pa nga dapat ako sa clinic pero sabi ko sa room na lang.
Pag uwi namin nila mama sinabi niya sa akin "Nga pala, kanina lumapit sa akin si Ken, parang natataranta, sabi niya umiiyak ka daw, nadaganan ka daw nung classmate niyo." Nagulat na lang ako nung sinabi sa akin ni mama un. Hindi ko akalain na mageeffort ka pang puntahan si mama para lang sabihin na umiiyak ako. Nung nalaman ko un, tuwang tuwa ako, kasi kahit papaano may care ka pala sa akin.
Everytime na umiiyak ako, pag uwian na, pinupuntahan mo si mama para sabihin na umiiyak ako. Hindi ko alam bakit mo ginagawa yun. Kasi pwede naman na ako na lang magsabi nun kay mama pero ikaw pa, ikaw pa ang nagsasabi sa kanya. Kaya di kita maintindihan, di ko alam bakit mo ginagawa yun. Pero ang sarap sa pakiramdam na alam ko na may care ka sa akin.
---
Ann
![](https://img.wattpad.com/cover/44619635-288-k773924.jpg)