Hi Ken,
Naalala mo pa ba kung gaano tayo kaclose? Lagi tayong magkatext. Kahit na nasa kanya kanyang school na tayo at may klase na ay nagagawa pa din nating magtext sa isa't isa. Hindi tayo nauubusan ng pinaguusapan, di tayo nabobored o nagsasawa sa isa't isa kahit na oras oras tayong magkausap. Alam mo ba ang saya saya ko nung mga panahon na yun, kasi feeling ko na mahalaga din ako sayo kasi di ka naman mag eefort na magtext o magreply sa akin kasi may klase ka. Feeling ko napaka special ko dahil sa ginagawa mo. Kahit na simpleng pagtetext mo lang napakahalaga na sa akin nun. Kasi alam ko na naaalala mo ako, alam ko na iniisip mo din ako.
Isa sa pinaka di ko malilimutan na text mo sa akin ay nung sinabi mo na "Wag ka mag alala, di kita iiwan." Bakit o paano mo nasabi un? Nag gm kasi ako nun, sabi dun sa gm, " Sa likod ng mga ngiti ko may mga luha,sa likod ng mga biro ko natatago ang problema,hindi man ako laging tunay na masaya,sana pwede kitang lapitan kung di ko na kaya." Di ko ineexpect na ganun ang irereply mo sa gm ko na un. Expected ko na magrereply ka pero di ko expected na sasabihin mo sa akin na "Wag ka mag alala, di kita iiwan." Sobra akong kinilig sa sinabi mo. Hindi ko alam irereply ko sayo. Halo halong emosyon ang naramdaman ko. Di ko maexplain kung ano nararamdaman ko. Basta ang alam ko nun, Mahalaga pala ako sayo para masabi mo yan.
Naalala mo pa ba nung araw na tinanong mo ako kung may boyfriend o nagkaboyfriend na ba ako. Alam mo naweirdohan ako sa tanong mo na yun, kasi alam ko naman na alam mo na di pa ko nagkaka boyfriend, at alam mo na ikaw palang ang taong minahal ko. Sabi ko sa sarili ko "Ano nakain nito, at biglang nagtanong ng ganito." May isa ka pang tinanong sa akin, sabi mo kung nagkekwento ba ko sa mama ko, sagot ko sayo nun, oo, nagkekwento ako kay mama, lalo na ung about sa pinag uusapan namin ni Kuya Axe.
After that day, naging madalang ka nang magtext sa akin. Dumalas na ako ang unang nagtetext sayo. Di ko alam anong nangyari, kung may nasabi o nagawa ba ako na di mo nagustuhan. Ang daming tanong sa utak ko na hanggang ngayon ay wala pa ding kasagutan.
---
Ann
