Letter 9

3 0 0
                                    

Hi Ken,

After ilang months ng paglayo ko sa inyo, nakasama na ulit ako. Sobrang saya ko nung dumating ako sa meeting place. Masaya ako kasi makakasama ko na ulit ang tropa natin at makikita na kita. Kinakabahan ako bago ako pumunta, tanong ko sa sarili ko, "Kaya na ba talaga kitang harapin after ng mga nangyari? Kaya na ba kita makasama ulit? Kaya ko na ba talaga? Pero miss na miss na kita." Ilang beses ko tinanong ang sarili ko.

Nagkita tayo, ngumiti ako sayo, ngumiti ka din sa akin. Ung ngiti mo na sobrang nakakainlove, ngayon ko na lang ulit nakita ang ngiti mo. Sobra kong namiss yan. Lumapit silang lahat sa akin at kinamusta ako, pero ikaw, hindi mo ko kinausap. Lumapit ka sa amin pero di mo ko kinausap.

Habang nasa biyahe tayo, tahimik ako, medyo naiilang ako. Naiilang ako kasi anjan ka. Gusto kitang kausapin, gusto kitang kamustahin pero di ko magawa. Sa iba ko na lang binaling ang atensyon ko. Nakipag usap na lang sa iba nating kaibigan. Mukha naman kasi na wala kang pakialam sa akin. Parang ayos lang sayo kahit wala ako. Hindi mo siguro talaga ako namiss. Wala ka talagang pakialam sa akin.

Dumating na tayo sa venue, naglibot libot lang tayong lahat. Nagpicture picture tayo kung saan saan. Lahat kayo mukhang enjoy na enjoy. Lahat kayo masaya. Pero ako, nakangiti kahit sa loob ko sobrang lungkot ko. Nakadagdag pa ang pagtatampo sa akin ni Mia at Ava, nagselos ata sila dahil katabi at ako ang kinakausap ni Dustin buong biyahe natin. Tahimik lang ako buong araw, nawala na ko sa mood, sobrang lungkot ko. Di na nga nakasama si May, nagtampo pa sila Mia at Ava sa akin tapos ikaw hindi mo ko pinapansin. Titingin ka lang saglit tapos wala na.
Palabas na tayo sa venue, pero sa likod tayo lumabas, medyo mataas ung bababaan kaya lahat kayong lalaki ang nauna para alalayan kaming mga babae. Hindi ko ineexpect na ikaw ang aalalay sa akin. First time ko nahawakan ang kamay mo. May parang kuryente akong naramdaman nung hinawakan ko ang kamay mo. Sumaya ako kahit papaano, kasi feeling ko concern ka pa din sa akin. Sa dami niyong lalaki ay ikaw pa, ikaw pa ang umalalay sa akin.

Nakabalik na tayo sa sasakyan, nagkukulitan kayo ni Ava. Ang sweet niyo, sobra. Ibinaling ko na lang ang atensyon ko kay Dustin, kinausap ko siya ng kinausap para mawala sa inyo ang atensyon ko. Habang nasa biyahe tayo, tinakip ko sa mata ko ung bangs ko at sinandal ko ung ulo ko kay Lily at kunwaring inaantok. Madilim naman sa sasakyan kaya di niyo kita na nakatingin ako sa inyo. Biglang pinatong ni Ava ung ulo niya sa braso mo, di mo inalis un, ngumiti ka pa na parang kinikilig. Sobrang akong nasaktan kaya pumikit na lang ako. Sobra akong nagsisi na sumama ako.

---

Ann

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon