Letter 11

8 0 0
                                    

Hi Ken,

Ang tagal niyo na ni Ava. Mukhang seryoso ka talaga sa kanya. Mahal mo talaga siya no? Nakita ko nga sa instagram ni Ava ung regalo mo sa kanya nung valentine's day. First time ko makita na nageffort ka ng ganun sa babae. Mahal na mahal mo siya para gawin mo sa kanya yun. Naiingit ako sa kanya. Buti pa siya minahal mo. Buti pa siya naranasan niya ang mga bagay na pinagarap ko na gagawin mo sa akin. Hanggang pangarap ka na lang ba talaga? Wala na bang pag-asa na mahalin mo din ako?

Ang tagal na simula nung nalaman ko na kayo na ni Ava. Pero eto ako, hanggang ngayon nasasaktan pa din tuwing makikita ko kayo na mag kasama o may makita ako na picture niyo ni Ava sa instagram. Kitang kita sayo na masaya ka na. Masaya ka na kasama mo siya. Samantalang ako, nasasaktan pa din, malungkot pa din. Nagpapakatanga pa din. Umaasa pa din ako na darating ung araw na marerealize mo na ako talaga ang mahal mo.

Umaasa pa din ako na babalik ka sa akin. Umaasa pa din ako na maaalala mo ung pangako mo sa akin na hindi mo ko iiwan. Umaasa ako na tutupadin mo ang pangako mo. Mag hihintay ako sa araw na tutupadin mo na ang pangako mo. Maghihintay ako hanggat kaya ko pa.

Nga pala, may nakapag sabi sa akin na lilipat ka daw. Totoo ba yun? Saan ka lilipat? Kelan ka aalis? Babalik ka ba dito? Ang dami ko na namang tanong. Bakit ka ba aalis? Hindi na kita makikita. Pero ayos lang, atleast di ko na kayo makikita na magkasama ni Ava. Atleast di na ako masyadong masasaktan.

Kung saan ka man pupunta, mag-iingat ka. Wag mo papabayaan sarili mo. Sana naman magpaalam ka sa akin bago ka umalis o kahit magpakita ka lang, kahit di mo na ako kausapin bago ka umalis. Gusto lang kitang makita ulit.

---

Ann

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon