Hi Ken,
Alam mo ba after nung ginawa mo habang nagbabasket ball kayo, tinutukso ako ng mga classmate natin sayo. Simula nun di tayo nag uusap, kung mag-usap man tayo, dahil yun sa magka grupo tayo or kung ano mang about sa school. Pero dahil dakilang mang iinis ka sa school natin, kapag madami tayo minsan ako ang inaasar mo. Pero minsan lang yun. Ewan ko ba, bakit parang ang layo layo ng loob mo sa akin.
Natatandaan ko pa, kelangan natin mag sayaw ng doxology, pinapila tayo nun ng by height. Alam mo ba nung ikaw ung nakatapat ko, tuwang tuwa ako nun, sabi ko sa sarili ko "Ang swerte naman" . Inisa isa nang ipinuwesto ni Sir ang magkakapartner, pero nung tayo na bigla kang nagsalita "Sir ayokong partner si Ann. Iba na lang" nasaktan ako nun. Naisip ko, ganun mo ba kaayaw sa akin na kahit sa sayaw lang ayaw mo ko kapartner. Nagsalita din ako, sabi ko kay Sir "ako din Sir, ayoko siyang partner." Kaya ang ginawa ni Sir, ung pinsan mo ang pinartner niya sa akin at ung partner naman ng pinsan mo ang pinartner sayo.
After class tayo nag papractice nung sayaw, wala na masyadong tao sa school. Tayo tayo na nga lang halos. Nung tapos na tignan ni Sir kung nakuha sa side niyo ung mga step sabi mo "Ang galing talaga ng partner ko!" Feeling ko nun na ang tingin mo sa akin hindi ako magaling kaya ayaw mo ko maging partner kaya nung side naman namin ang tinignan ni Sir, inayos ko talaga ung sayaw ko para makita mo na kaya ko din ung ginagawa ng partner mo. Kaso, di mo naman kami tinignan.
Pinagbreak muna tayo ni Sir, kayong mga boys naman nagbasketball muna kaya kaming mga girls pinanood lang kayo. Hawak mo ung bola tapos tumingin ka sa akin, nakangiti ka, sabi mo "Para sayo to Ann" tsaka mo shinoot ung bola, this time nashoot mo na. Dahil alam ko na aasarin lang ako dun kaya umalis na lang ako. Nakasimangot ako nung umalis ako para kunwari naiinis ako sayo, pero ang totoo, kinikilig ako nun. Inulit mo nanaman. Nakakainis ka.
---
Ann