Hi Ken,
Ang tagal na nating di nagkikita. Namimiss mo kaya ako? Kasi ako miss na miss na kita. Hindi na ako sumasama sa tropa. Di ka ba nagtataka kung bakit lumayo ako bigla? Nahihirapan kasi ako. Nasasaktan ako. Ayoko na din naman magpanggap sa harap niyo. Ayoko na din lokohin ang sarili ko na ayos lang ako, na ayos lang sa akin ang lahat. Ang hirap magpanggap. Ang hirap magpigil ng luha. Mas madaling umiwas. Mas madaling maglaho kesa magpanggap.
Balita ko lumipat na sila Elle ah. Balita ko din na after nilang lumipat nagkalabuan kayo. Kamusta ka? Ayos ka lang ba? Ikaw pa ba? Ang dali mo nga pala makamove on. Sabi nila ikaw daw nakipaghiwalay kay Elle? Ano nangyari sa inyo?
Alam mo masaya ako, masaya ako kasi naghiwalay kayo. Masama ba ako? Masama ba na matuwa ako? Hay, oo na, alam ko na mali na matuwa ako. Sorry kung masaya ako dahil naghiwalay kayo, wala eh, mahal pa din kita. Babalik ka ba sa akin? Umaasa ako na babalik ka sa akin. Umaasa pa din ako na mahal mo ako. Umaasa ako na babalik tayo sa dati. Umaasa ako na magiging close ulit tayo. Umaasa ako.
Pero alam ko na malabo mangyari yun. Malabo na mahal mo ako. Malabo na magkaroon ng tayo. Malabo, sobrang labo pero eto ako umaasa pa din kahit alam ko na walang mangyayari.
Wag ka mag alala, magpapakita na ako sa inyo. Di na ko magtatago. Miss na miss ko na ang tropa. Miss ko na maging masaya. Nakakasawa din naman mag isa at tumambay sa bahay.
---
Ann