Letter 12

7 0 0
                                    

Hi Ken,

Kamusta ka na? Mahigit isang taon na simula nung umalis ka dito. Mahigit isang taon na kitang di nakita. Mahigit isang taon na akong walang balita sa iyo. Ang alam ko lang ay kayo pa din ni Ava. Ang tagal niyo na. Biruin mo un, mag dadalawang taon na kayo. Nakayanan niyo ung long distance relationship. Mahal na mahal mo talaga siya no? Kilala kita eh, alam ko naman na di ka tumatagal ng isang taon sa isang babae pero bakit kay Ava nagawa mo. Bakit sa kanya nagawa mong magseryoso. Ano bang meron sa kanya? Bakit mahal na mahal mo siya?

Bakit hindi ka nagparamdam sa akin. Bakit di ko nabalitaan na nagbakasyon ka dito. Kung hindi pa kita nakasakay sa jeep di ko pa malalaman na andito ka pala. Nagulat ako nung sumakay ka sa jeep, sabi ko pa sa sarili ko " ganun mo ba siya kamiss at naiimagine mo na andyan siya". Pero totoo pa lang andito ka. Tinanong mo kasi ako kung nakapagbayad na ba ako, dun ko narealize na totoong andito ka at hindi ako nagiimagine. Nakatulala lang ako nung mga oras na un, di ako makapaniwala na andyan ka. Pero bakit di ka nagparamdam sa akin? Ayaw mo ba talaga akong makita? Ayaw mo ba talaga akong makasama o makausap ulit? Ganun mo ba kaayaw sa akin? Eto nanaman ako, ikaw nanaman ang iniisip ko. Kelan ba kita makakalimutan? Kelan ba ko makakapag move on. Kelan ba?

Pagod na ko. Pagod na ko masaktan. Pagod na ko magpanggap. Pagod na ko magtiis. Pagod na pagod na ako. Gusto na kitang kalimutan. Gustong gusto ko pero hindi ko magawa. Ilang beses kong sinubukan na makipagrelasyon sa iba pero hindi ko magawa kasi ikaw pa din ang mahal ko. Ikaw lang ang laman nitong puso ko. Ikaw lang talaga. Paano ba kita makakalimutan? Paano ako makakapag move on sayo? Paano?

---

Ann

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 01, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon