Hi Ken,
Alam mo ba, nung grumaduate tayo malungkot ako kasi di na kita makikita. Di na kita makakasama. Di na kita makakausap kahit minsan lang tayo mag usap. Di ko na maririnig ang boses mo. Sabi ko sa sarili ko, "ayos lang yan, dadating din ang araw na palagi o madalas tayong magkikita kahit di na tayo parehas ng school.
After 2 years dumating din ang araw na dati ay iniisip ko lang. Naging madalas ang pagkikita natin dahil sa church at may common friends din tayo. Di tayo nagpapansinan kapag nagkikita tayo pero nung birthday ko, may nagtext sa akin, un pala ikaw un. Ayaw ko pa maniwala nung una kasi naisip ko baka pinagtitripan lang ako ng mga kaibigan ko, pero kinabukasan naconfirm ko na ikaw nga un, nung nagkabangga tayo, at pagkauwi ko galing sa church tinext mo ko, tapos tinanong ko ulit kung ikaw ba talaga un, sagot mo sa akin, "oo, nabangga pa nga kita diba". Napaka saya ko nung nalaman ko na ikaw nga talaga un kasi halos 11 na ng gabi nung binati mo ako, akala ko di mo na ko babatiin, sabi ko nga nun sana batiin mo ako kahit sa fb na lang kasi alam ko na wala kang number ko tapos sa text mo ko binati. Nag effort ka pa kunin number ko ng palihim sa cellphone ng common friend natin. Sobrang saya ko nun, gustong gusto ko sumigaw sa sobrang saya at kilig. May isa pa pala, same day nung naconfirm ko na ikaw ung nagtext sa akin, nakita mo kami ng mga kaibigan ko na paalis, nag hi ka sa amin tas tinanong mo ako kung saan kami pupunta, sagot ko lang sayo nun "susunduin lang si May tapos sa mall", umalis na kami tapos nagtext ka bigla, sabi mo "Ingat :)", nagtext ka din sa akin nun pauwi na kami, tinanong mo ko kung pauwi na ba kami, tapos sabi mo ulit ingat kami. Kung di ko lang kasama mga kaibigan ko nun siguro nagsisigaw na ako sa sobrang kilig.
Dun nagsimula ang lahat. Habang tumatagal nagiging close na tayo. Madalas na tayong magkausap at magkatext. Yung tipong kakahiwalay lang natin magtetext ka agad o ako. Ganun tayo kaclose kahit alam mo na gusto kita. Di ka umiwas. Di mo alam kung gaano mo ako napasaya. Di mo alam, lalo akong nahuhulog sayo, lalo kitang minamahal.
---
Ann
