V (Another Problem)

144 4 0
                                    

WARNING: This chapter contains violence, brutal acts, adult language, and situation not intended for insensitive minds.

SAYZIA'S POV
__________

"Hide little kiddos, I'm going to seek all of you. In a count of one..."

Tumingin ako sa paligid. We're in the morgue? Mga nasa sampung patay ang makikita mo dito. Iba pa siguro yung mga patay na nasa loob ng mortuary freezers.

"Two..."

"Let's hide." I heard Linus said. Tumingin ako sa iba naming kasama. Si Aurora at si Nicko ay pumasok sa loob ng mortuary freezers na walang lamang bangkay. Si Saphira naman ay pumasok sa isang malaking cabinet.

"Three..."

"San tayo tatago?" I asked him.

"Could you act like you're dead?" He said. Tumango-tango ako.

"Four..."

May kinuha kaming dalawang bangkay na nasa table bago ito pinasok sa loob ng mortuary freezers.

"Five..."

Humiga ako bago ako kinumutan ang buong katawan ko ng puting tela ni Linus. Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa amin. Hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa mga kaibigan ko.

"Six..."

"Seven..."

"Eight..."

"Nine..."

"And ten."

Dahil sa matinding katahimikan, rinig na rinig ko ang ingay ng dahan dahang pagbukas ng doorknob. Kasabay nun ang nakakabinging pagirit ng isang babae. I know it's now Saphira or Aurora. I think it's Yanna the big mouth.

"I'm hungry."

I stopped my breathing. Alam kong madadaanan nya ako. Pinigilan ko ang magulat ng bigla nyang hawakan ang binti ko. Pero dahan dahan nya ring tinanggal ang pagkakahawak nya dito.

"Come out kiddos. I just want to eat, I'm hungry."

Naramdaman ko ang presensya nya na papaalis sa gilid ko. Isang nakakabinging katahimikan na naman ang bumalot sa loob ng silid na ito. Dahan dahan akong sumilip sa puting tela na nakatakip sa akin.

I can't see her. I can't see Yanna. Binitawan ko ang tela at hinayaan na lang na malaglag ang telang tinaas ko para makasilip. Pinakiramdaman ko ang paligid. I can't sense any presence nor hear any footsteps or breathing.

May malakas na kamay ang marahas na humila sa leeg ko patayo. She's suffocating me. I can't breath. Tinaas ako ni Yanna sa ere habang nakahawak parin sa aking leeg.

"Li-Linus, h-he-help me." Nahihirapan kong sigaw. Medyo nagulat ako ng bigla biglang tumayo si Linus. Fuck! Akala ko bangkay talaga.

Nagmamadali syang lumapit sa amin. Nakatalikod sa kanya si Yanna kaya di sya nito nakikita. Nanlaki ang mga mata ko ng unti unting bumuka ng malaki ang bibig ni Yanna.

"I'm going to eat you, Sayzia." Sabi nito bago tumawa ng malakas.

Dahan dahan nya na akong nilalapit sa malaki nyang bunganga. Ang baho ng bunganga nya. Amoy bulok na ewan. Malapit na nya akong isubo ng bigla nya na lang akong binitawan.

Di ko alam kung anong pinanghampas ni Linus sa kanya kaya sya napatumba. Hinahabol ko pa ang hininga ko ng bigla akong buhatin ni Linus. Lumabas kami ng room kasama ang iba pa naming mga kasama.

Ophelia Libano's Curse: 2024 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon