VIII (The Shapeshifter)

114 4 0
                                    

SAYZIA'S POV
__________

Pag-gising ko ay naka-blindfold na naman ako. Hinayaan ko na lang ito. Ang pakiramdam ko ay nasa loob kami ng kotse.

Kinapa ko ang aking suot. Nakasuot na ako ngayon ng sando at mahabang pants pero wala pa akong suot sa sapin sa paa.

"You're awake. What are you feeling, Sayzia?" Malambing na tanong ni Linus sa akin.

"I-I'm fine." I said. Malakas akong napabuntong-hininga bago inihilig ang ulo sa aking inuupuan.

"Where are we going now?" Napatingin ako sa pinanggalingan ng bagong boses na iyon.

"Sa bahay po ni Mr. Laudencia, Ms. Aki." Sabi ni Linus. Nanlaki ang mga mata ko.

"Y-you're Aikel Tolleriza?" I asked her.

"Yes, hija. And you're his daughter, right?" Tanong nito. Tumango-tango ako.

"Nice to meet you, Ms. Aikel." I said at inabot ang kamay ko kahit di ko naman sya kita kung nasaan sya. May umabot nito kaya napangiti na lang ako.

"Nice to meet you too, Sayzia. Just call me Tita Aki. Ms. Aikel is too formal." Sabi nito bago mahinang tumawa.

"Can I asked you a questions?" I said.

"Yes, sure." Sabi nya.

"You're my father's ex, right? Pano naging kayo ni Daddy?" I asked her. Hindi agad ito sumagot kaya medyo kinabahan ako.

"I-it's fine if hindi nyo po sagutin ang tanong ko. I'm sorry——"

"It's fine. You're father and I are high school lover." She answered.

"Pa-pano po kayo nagkahiwalay?" I asked again. Natahimik na naman sya.

"Dahil sa Lolo mo, kaya kami nag-hiwalay. After nung nangyari sa amin, pinalayo ako ng Lolo mo kay Rod. Pinakalat nila na ako lang ang naka-survive para malinis ang pangalan ng pamilya nila. Pinadala si Rod sa America at doon pinaaral. Samantalang ako naman ay pinalayas sa amin ng mga tao doon. Kaya lumipat ako sa Isabela, para magbagong buhay." Mahabang kwento nito. Di ako nakapag-salita. Hindi ko in-expect na nagkahiwalay sila ni Daddy dahil kay Lolo.

"D-do you still love my father?" I said. Natahimik na naman sya at di nakapagsalita.

"I-I don't know, Hija. I can't answer your question." Pag-iiwas nito. Tumango-tango na lang ako.

Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin habang nasa byahe kami papunta sa bahay ni Daddy.

"My parents separated because my father still love his ex girlfriend. Sinisisi ko si Daddy noon dahil sa nangyari pero ngayon na nalaman ko na ang totoo, I feel sorry to the both of you, Tita Aki. If you still love my father, okay lang po sa akin kung magiging kayo ulit. I'll support you both." I said and smile.

"T-thank you, Sayzia." Rinig kong sabi nito.

Ilang oras din bago kami nakarating sa bahay ni Daddy. Tinawagan sya ni Aurora kanina na pupunta kami sa bahay ni Daddy. Inalalayan akong mabuti ni Tita Aikel at Linus habang naglalakad papasok.

Napakunot ang nuo ko habang hawak ni Tita Aikel ang kaliwa kong kamay. Medyo nanginginig kasi ito at nanlalamig pa. Is she nervous? Obviously, she is.

"We're going upstairs. Please walk slowly and carefully." Linus said. Tumango-tango na lang ako bilang pagtugon sa sinabi nya.

Nagdahan dahan ako sa paghakbang sa bawat baitang ng hagdan. Dahil isang maling hakbang ko lang ay maaaring malaglag ako or kami pababa ng hagdan.

Paglampas sa hagdan ay isang straight na daan na ulit ang aming dinadaanan. May kumatok muna ng tatlong beses bago ko narinig ang dahan dahang pagbihit ng doorknob.

Ophelia Libano's Curse: 2024 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon