III (Big Tree)

187 5 0
                                    

WARNING: This chapter contains violence, brutal acts, adult language, and situation not intended for insensitive minds.


SAYZIA'S POV
__________

"T-the c-chainsaw man is c-coming." I said.

"Let's go." Sabi ni Linus sa amin bago ako hinila patakbo sa gubat.

"Gavin, bilisan mo." I heard Nicko said.

"Linus, sila Gavin hintayin natin." Sabi ko sa kanya. Tumigil sya kaya napatigil din ako. Hinintay namin sila na nasa likod namin.

Napakunot ang nuo ko ng tumigil si Gavin. Bakit sya tumigil? Anong ginagawa nya?

"Gavin, let's go!" I shouted.

"Hindi ko magalaw ang mga paa ko. I'm stuck." Kalmadong sabi nito. Nagkatinginan kaming lahat.

"Let's help him." Sabi ko at tatakbo na sana papunta sa kanya ng pigilan ako ni Linus.

"Why?" Nagtatakang tanong ko.

"We can't change what is already written." Tumingin kaming lahat sa kanya. Lahat kami ay nagtataka.

"Kahit anong gawin natin, mangyayari at mangyayari ang nakasulat sa book. We can't change it." Sabi ni Linus. Lahat kami ay napatunganga.

"Umalis na kayo! Save yourself everyone. Hayaan nyo na lang ako dito. Please! Mami-miss ko kayong lahat." Sabi nya habang umiiyak. Napaiyak na rin kaming lahat.

"Aurora." Sabi nya bago tumingin kay Aurora.

"I love you." Sabi ni Gavin bago ngumiti sa kanya. Napaluhod si Aurora habang nakatingin kay Gavin.

"Umalis na kayo. Alam ko hindi pa ito ang huli nating pagkikita." Sabi nya at ngumiti sa amin.

Nagulat kami ng bigla na lang sumulpot sa likod nya ang chainsaw man. Nangilabot ako dahil sa itsura nya. Kitang kita ang bungo nya sa bandang ulo nya, wala itong mga mata, at nakatahi ang mga labi nya. Nakita ko ang pangisi nito habang nakatingin sa akin.

Pumunta sya sa likod ni Gavin at hinila nya ang buhok nito bago dahan dahan nyang nilapit sa leeg nito ang chainsaw na hawak.

Hinila agad ako ni Linus payakap sa kanya. Hindi ko rin kaya.

"GAVIN! BITAWAN NYO AKO, NICKO. GAVIN!" Rinig na rinig ko ang malakas na sigaw at iyak ni Aurora.

"Guys, we need to go. Baka isa pa sa atin ang mamatay kapag hindi pa tayo umalis dito." Linus said.

Hinawakan ni Linus ang kamay ko bago ako hinila papaalis.

'Sayzia.'

'Sayzia.'

'Sayzia, I will kill you.'

Luminga-linga ako sa paligid. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang boses na yun.

'Sayzia, I'll meet you again.'

Napatingin ako sa likod kung nasaan yung chainsaw man. Alam kong nakatingin sya sa akin kahit na hindi ko nakikita ang mga mata nya. Nakangisi ito bago dahan dahan nya akong itinuro.

'Goodbye, Sayzia.'

He waved his hand at me. Nangilabot ako. Sa kanya pala nanggagaling ang boses na naririnig ko.

"Sayzia, wait us. Slow down. Madadapa ka." Sabi ni Linus pero huli na dahil napadapa na ako dahil sa malaking ugat na nakalitaw sa lupa.

Sobrang laki ng puno ang nasa unahan ko pero puro sanga lang ito dahil wala itong mga dahon.

Ophelia Libano's Curse: 2024 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon