VI (The Vision)

133 4 0
                                    

SAYZIA'S POV
_________

"Dahil nangyari na rin sa aming magkakaibigan ang nangyayari sa inyo ngayon. 36 years ago." Natigilan kaming lahat at gulat na tumingin kay Daddy.

"What do you mean, Dad?" I asked him confused. Kanina pa ako naguguluhan. How come? Akala ko ba, isa lang ang naka-survive?

"You're asking your mother about my ex right, I know you all know about her. Her name is Aikel Tolleriza." He said. Nanlaki ang mga mata ko.

"Pero pano nangyaring dalawa kayong naka-survive? Dalawa nga lang ba talaga kayo?" I asked him. Malungkot syang ngumiti.

"Yes, dalawa lang kami. We failed to stop the stop the curse, pero napigilan namin ang sumpa sa amin." Napakunot ang nuo ko.

"Huh?"

"Kids, we don't have time to discuss everything that happens to us. Sa ngayon, you kids need to find her. Aikel Tolleriza. Hindi ko man kayo matutulungan sa pag-hahanap dahil aasikasuhin ko pa ang kaso na isinampa sa inyo. But as much as possible, kelangan nyong mag-ingat." He said. Tumango-tango kami.

Tumayo na kami at nagpaalam sa kanya na aalis. Pero di pa man nabubuksan ang pinto ng bigla itong mag-salita.

"One more thing, para hindi agad mangyari sa inyo ang nakasulat sa aklat kelangan nyong maghiwa-hiwalay but at the same time, you need to protect the person na bumuhay sa sumpa. Who is she or he?" Tumingin silang lahat sa akin.

"I-it's me." I said. Nakita ko sa mukha nya ang pag-aalala at takot.

"Sir, despite not being around her, how can we still protect her?" Linus said.

"You need to make her sleep. The killer knows of your whereabouts because she sees you all and the surroundings every time she is awake. She's the vision." Sabi ni Daddy habang nakatingin sa akin.

"But if you fail to protect her, you all will die too. Nakasalalay ang mga buhay nyo sa kanya. And kayo na ang bahala sa magiging plano nyo. Umalis na kayo at wag kayo magpapahuli." He said. May binigay munang sleeping pills si Daddy sa akin bago kami nagpaalam na aalis na sa office nya.

Pumunta ako sa kusina bago kumuha ng tubig. I drink the medicine. Lumabas na rin kami pagkatapos kong uminom nito.v

"Pano natin mapo-protektahan si Sayzia?" Nicko said.

"I have a plan. Ikaw ang magbabantay kay Sayzia at kaming dalawa ni Aurora ang maghahanap kay Aikel Tolleriza." Linus said.

"Hindi ba mas maganda kung ikaw na lang ang magbantay?" Nicko said.

"Can you drive?" Linus said. Natigilan si Nicko bago umiling-iling.

"Sabi ko nga ako na lang magbabantay." Nicko said bago kumamot ng ulo.

"Aurora, say something." I said. Kinunutan nya ako ng nuo. I always like her reaction whenever I asked her to say something.

"Let's go." Aurora said.

"Ihahatid ko muna kayo sa hacienda namin. Dun muna kayo magi-stay habang hinahanap namin si Aikel Tolleriza." Linus said.

"Okay lang ba sa--"

"Si Manang lang ang makakaalam na nandun kayo. Don't worry, mapagkakatiwalaan nyo si Manang." He said. Tumango-tango na lang ako.

Pumasok kami sa kotse at pinaandar na ito ni Linus paalis. Kinulikot ko ang car stereo para tumunog ito. Di ko na kaya ang matinding katahimikan sa pagitan naming apat. Pinatugtog ko ang favorite song ko.

When you were here before
Couldn't look you in the eye
You're just like an angel
Your skin makes me cry
You float like a feather
In a beautiful world
I wish I was special
You're so fucking special

Ophelia Libano's Curse: 2024 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon