VII (The Clown)

122 4 0
                                    

WARNING: This chapter contains violence, brutal acts, adult language, and situation not intended for insensitive minds.

SAYZIA'S POV
_________

Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata pero puro kadiliman lang ang nakikita ko. Di ko alam kung sino ang nagpiring sa mga mata ko pero hindi ko na ito tinanggal kasi baka inutos ito ng mga kaibigan ko.

Sobrang sakit ng ulo ko at medyo nahihilo din ako kaya hindi ko nagawang umupo sa kinahihigaan ko.

"Sayzia, you're awake. Gutom ka na ba? Tara aalalayan kita." Rinig ko ang boses ni Nicko sa gilid ko.

"Uhm, Nicko. Pwede bang dito na lang. I have a headache and feel a bit dizzy." Sabi ko.

"Sige sige. I will tell Manang Luzy so she can prepare food for you. Baba lang ako." Sabi nito bago ko naramdaman ang presensya nya na paalis.

Pinilit kong kahit dahan dahang tumayo. Para akong bulag, wala akong makita na kahit ano. But I know, nasa hacienda ako nila Linus. Kamusta na kaya sila? Ilang araw ba akong nakatulog.

Maya maya lang ay narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Hindi ko alam kung sino ang pumasok.

"Nicko?" I called him.

"Sayzia. Manang will just bring your food here, including the medicine for the headache." Nicko said. Tumango-tango ako.

"Nicko?" I called him again. Naramdaman ko ang pagupo nya sa gilid ko.

"Yes?"

"How many hours have I slept?" I asked him.

"3 days na, Sayzia. Papauwi na rin daw sila Linus dito kasama si Aikel Tolleriza." Tumango-tango ako.

"Huh? E diba, 8 hours lang effect nun? By the way, yung book? May bago bang sulat ang book?" I asked him.

"Wala daw. Ibig sabihin lang nun effective ang sinabi ng Daddy mo sa atin." He said. Ngumiti ako.

Naramdaman ko ang paghawak ni Nicko sa akin. Napakunot ang nuo ko bago tumingin sa gilid kung nasaan sya kahit hindi ko sya nakikita.

"You have a fever?" Tanong ko sa kanya bago kinapa kapa sya pero umiiwas lang sya at nilalayo ang kamay ko.

"I'm okay, Sayzia." Sabi nya. Hindi ako nagsalita. I know he's not okay.

"You can rest here, Nicko." I said.

"Hindi na, kukunin ko lang yung pagkain mo." He said. Aangal pa sana ako pero mabilis na syang tumayo at naglakad.

Pero hindi pa man sya nakakalayo ay nakarinig ako ng malakas na pagbagsak. Shet nahimatay ata sya.

Tumayo ako at dahan dahang naglakad papalapit sa kung saan narinig ko ang malakas na pagbagsak hanggang sa napatid ako sa katawan ni Nicko na nasa sahig at tumama ang ulo ko sa lapag.

Ugh! Mas sumakit ang ulo ko. Kinapa kapa ko si Nicko ng makabawi ako sa sakit ng ulo. Kinapa-kapa ko ang mukha nya, natigilan ako ng may likido sa ulo nya.

"Manang!" Malakas na tawag ko. Pero walang sumasagot.

"Manang!" Tawag ko ulit dito. Niyugyog ko ang katawan ni Nicko para maggising ito.

"Nicko, wake up." Sabi ko sa kanya habang niyugyog sya.

"Ma'am pabukas po ang pinto." Sabi ni Manang na nasa labas. Kinapa-kapa ko ang pinto at pinilit na buksan ito pero naka-lock. Kinapa-kapa ko pa ang nasa itaas nito at nakita naka-padlock ito.

Ophelia Libano's Curse: 2024 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon