IV (Aikel Tolleriza)

145 5 0
                                    

SAYZIA'S POV
___

"We're here." Linus said.

"Cabacalan." Aurora said. Linus parked the car before we all came out of the car.

May mga nakita kaming mga tao na naglalakad sa kalsada at nasa labas ng kanilang mga bahay.

"San tayo magsisimula?" Nicko said.

"Kelangan nating maghiwa-hiwalay. Nicko and Aurora, magtatanong-tanong kayo sa mga tao kung sino at kung alam ba nila kung saan na nakatira ang babae na naka-survive 36 years ago. Saphira, Linus, at Ako. Pupunta tayo sa haunted house para maghanap ng background history ng nakatira doon." Sabi ko sa kanila. Tumango-tango sila sa akin.

"Let's go now. Magkita na lang tayo dito before 3pm." I said. Tumango-tango ulit sila.

"Mag-ingat kayo." Aurora said. Ngumiti ako sa kanya.

"Kayo din."

"Call us too if something bad happen." I said. Tumango-tango lang sila.

"Tara na." Sabi ko kila Linus. Dala dala ko ang book habang si Linus naman at si Saphira at may dala dalang mga armas. Linus had a gun inside his pocket.

Tumakbo kami papunta sa haunted house. The gate is open kaya dire-diretso na lang kami ng pasok dito.

Biglang umihip ang malakas na hangin kasabay nun ang pagtayo ng aking mga balahibo. Hinimas-himas ko ang aking mga braso dahil kakaibang pakiramdam na ito.

Naramdaman ko ang paghawak ng kamay ni Linus sa aking bewang. Tumingin ako sa kanya at nakitang nakatingin din ito sa akin.

"Wag na naman sa harap ko oh. Hirap talaga kapag may kasama kang mag-jowa. Inggit pa ata ang ikamamatay ko dito e." Sabi ni Saphira na nasa likod namin ni Linus.

Linus opens the door of the haunted house. He came inside first before we followed him.

Ibang iba na ang itsura ng bahay. Lahat ng mga gamit ay nakasalansan ng ayos. Para bang bagong gawa at bagong linis ang loob nito. Nagkatinginan kaming tatlo. Alam kong pare-parehas lang kami ng iniisip.

"Let's start now." Linus said.

"Maghihiwalay-hiwalay ba tayo?" Saphira said.

"No, as much as possible dapat magkakasama lang tayo lagi. Mas mapo-protektahan natin ang isa't isa kapag magkakasama lang tayo." I said. Tumango-tango si Saphira.

"Tara, dito na muna tayo sa baba." Sabi ko. Naglakad kami sa living room. Bawat sulok at cabinet ay hinahalungkat namin para makakita ng impormasyon.

Pagkatapos naming mahalwat lahat ng mga cabinet dito at pumunta naman kami sa taas. Kelangan naming bilisan dahil konti lang ang oras namin.

"Alam ko may library dito dahil sa laki ng bahay na ito. Kelangan natin mahanap ang library nila." Sabi ko.

"Guys, come here. I think I found something." Saphira said. Lumapit kami ni Linus sa kanya.

"It's a photo album." Linus said.

Binuksan ni Saphira ang photo album. Unang bumungad sa amin ang dalawang babaeng nakatayo habang nseryosong nakatingin.

Nanlaki ang aking mga mata habang nakatingin sa babaeng nasa kaliwa.

"Sya...sya yung babaeng humihingi sa akin ng tulong." I said. Tumingin sila sa akin.

Binasa ko ang nakasulat sa baba.

"Amara Libano y Ophelia Libano. Ophelia Libano? Her name is Ophelia Libano." I said. Binuklat pa namin ang mga pahina at puro picture lang Ang nandito. May nakita pa akong isang lalaki na nakangiti habang nakatingin kay Ophelia. Who is he? Magkaano ano sila ni Ophelia?

Ophelia Libano's Curse: 2024 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon