XI (Remember me, Angel)

77 4 0
                                    

SAYZIA'S POV
_________

"If you really know me. Sabihin nyo kung sino sa aming dalawa ang nagpapanggap." Sabi ng kamukha ko. Ngumisi ako. Let's see!

Pinakatitigan nila kami. Doon pa lang napansin ko na agad sa kanila kung sino ang totoo at nagpapanggap.

"Who's real and who's not?" Tanong ng kamukha ko.

Dahan dahan nila akong tinuro kaya napangisi ako.

"You guys are wrong. I am the real, Sayzia. Bakit sya ang tinuro nyo. Daddy, I'm your little Angel." Sabi nito. Pero umiling-iling lang si Daddy at ang kamukha nya.

"I am the real, Sayzia. Sweetheart, look at me. I'm the real Sayzia, Linus."

"Stop pretending. Huling huli ka na." Sabi ko bago sya nginisian. Pero ang ngisi ko ay biglang nabura ng biglang tumakbo papalapit sa akin ang kamukha ko bago ako sinakal. They try to help me but she's so strong.

"Sayzia, the plan." Rinig kong sabi ni Tita Aikel. Kasunod din nun ay sinakal na rin sya ng kamukha nya at ganun din sa iba.

Hindi ako makahinga. Pilit kong kinuha ang maliit na salamin sa aking likod at hinarap ito sa mismong mukha ng nasa harapan ko. Biglang lumiwanag ang mukha nya at binitawan ako. Habol ko ang aking hininga.

Tumingin ako sa kanila. Si Linus, Aurora, at Daddy na lang ang may kamukha. Tumingin ako sa kamukha ni Daddy.

"You're not my real father..." Sabi ko sabay turo sa kamukha nya. Kumunot ang nuo nito at nagkunwaring hindi makapaniwala sa sinabi ko.

"My father have a mannerisms at ito ay ang sunod sunod na pagpikit nya. Ikaw, hindi manlang kita nakitang pumikit simula pa kanina." Sabi ko.

"Hindi ko inakalang matalino ka rin pala talaga, Sayzia." Sabi nito sa akin bago ngumisi.

Tinignan ko si Daddy para i-ready ang sarili nya. Tama nga at sinugod sya nito pero hindi na nito naituloy dahil biglang tinapat ni Daddy ang salamin sa mukha nya. Lumiwanag ang mukha nito at bigla na lang nawala.

"Linus, come here." Sabi ko. Lumapit silang dalawa sa akin.

"01281914312." Sabi ko. Ngumisi sa akin ang totoong Linus. He knows that code.

"01281914315." Sabi nya kaya nginisian ko. Dahan dahan kong tinuro ang kamukha ni Linus.

"You're the fake one." I said. Inataki nito si Linus. Nagulat ako ng may kinuha itong kutsilyo sa kanyang bulsa para ipangsaksak kay Linus.

Kinuha ko ang salamin ko at ako na mismo ang tumapat sa mukha nito. Tumayo agad si Linus at nilapitan ako.

"You still know that code huh." Sabi nito sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Guys." Rinig kong sabi ni Aurora. Tumingin kami sa kanya. Si Aurora ang may pinakamahirap sa lahat. Gayang gaya nito ang bawat galaw ni Aurora pati ang pinakamaliit ng detalye sa mukha at katawan nya. Isa na lang ang pag asa namin.

"Aurora, say something." I said. Ngumiti sa akin ang isang Aurora bago ito yumuko. Samantalang ang isa naman ay nakakunot ang nuo at parang nagtataka sa sinabi ko. Napangisi agad ako ng malaman kung sino sa kanila ang totoo.

"Huh?" Nagtataka nitong tanong.

"You're the fake one." Sabi ko bago tinuro ang Aurora na ngumiti sa akin bago yumuko.

"How?" Rinig kong tanong ni Tita Aikel. Ngumiti ako kay Tita Aikel.

"Everytime I asked her to say something, isa lang ang nagiging reaction nya. Nagtataka." I said.

Ophelia Libano's Curse: 2024 (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon