Auria
"Seems like aabutin tayo ng late night, baka masaraduhan tayo. May policy na ang uni to close after 11 PM eh, hindi na tayo makakapag-overnight," sabi ni Allissa.
We're conceptualizing about the welcome week, kaso gabi na. Kailangan na kasing matapos para maipasa na namin sa people in charge sa department namin.
"Paano 'yan?" tanong ni Amelie.
Nagkatinginan na rin kami ni Rafael, mukhang pareho kaming nag-iisip ng solusyon.
"Kaso, if itutuloy na lang natin 'to bukas, hindi na kakayanin ng deadline sa pagpapasa ng plan. Kailangan talaga nating matapos today," dagdag pa ni Alissa.
I gave in as I raised my hand to volunteer. Wala kasing matatapos kung magtatanungan lang kami dito.
"Sa house ko na lang, if okay sa inyo?"
"Are you sure? Baka makaabala kami?" tanong ni Allissa.
I smiled to reassure them. "It's okay. Para rin komportable tayo, medyo malamok na dito. Ano? Tara? Nakaabang na 'yung service ko sa labas," aya ko sa kanila.
"Yown! Thank you kay Auria!"
"Hulog ng langit!"
Nagkantyawan sila kaya natawa ako. "Kayo naman! Eh kailangan natin eh."
Habang naglalakad kami palabas sa parking lot, tinapik ako ni Rafael sa braso kaya tiningnan ko siya.
"Hindi ako nakapagpaalam sa bahay," he worriedly informed me.
Huminto ako para makapag-usap kami ng mas maayos. "Uhm-- doon na lang sa house. May telephone doon, tawag ka na lang?" I suggested.
He seemed hesitant, but he eventually agreed.
***
"Mabuti pala na dinamihan ko ang luto ng hapunan! Kumain muna kayo bago niyo simulan 'yan," sabi ni Yaya Tina pagdating namin sa bahay.
Celebratory noises were made by my groupmates while dinner was being served.
Ngayon lang umingay ulit dito sa bahay. Nakakapanibago, pero masaya.
Tutulong sana ako sa paghahain ng dinner, kaso napansin kong nahihiya pa si Rafael dahil nakaupo na ang mga kagrupo namin, pero nakatayo pa rin siya sa tabi ni Amelie.
Oh right! It's his first time here! Nakalimutan ko. Sa sobrang comfy ko kasi sa kaniya, I forgot na new found friend ko pa lang siya.
I approached him while everyone else was busy chatting with each other.
He turned his head when I tapped his shoulder from behind. "Hey, upo ka na," bulong ko sa kaniya.
He smiled awkwardly. "Hindi ba nakakahiya?"
Ang cute niya! He's like a shy, little boy in a class party.
"Ano ka ba! Maupo ka na, tulong lang ako sa paglalabas ng food," sabi ko habang tinatapik ang likod niya.
Pagkatapos ko siyang kausapin, dumiretso ako sa kusina para tulungan si Yaya Tina.
"Nako, doon ka na sa mga kaklase mo. Ako nang bahala dito," pagtanggi niya.
"Ako na lang po sa drinks," pagpupumilit ko na hindi na niya natanggihan dahil dala ko na ang bote ng iced tea at ilang baso.
"Huy! Tulungan niyo si Auri, nakakahiya," sabi ni Mila, isa sa mga kagrupo rin namin.
Nag-unahan pa sila na tulungan sana ako pero naibaba ko naman na sa mesa ang mga dala.
"Feel at home, guys. If may kailangan kayo, sabihan niyo lang sila Yaya Tina, or ako," I informed them.
BINABASA MO ANG
Back To The Night We Met
FanfictionShe always hated the idea of 'college sweethearts', but he was always down for it.