Chapter 20.1 : First

78 8 0
                                    

Auria

"Kumusta ang dalaga namin?"

Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil sa biglang pagsulpot ni Yaya sa likuran ko.

Gabi na kaya! Akala ko nga, ako na lang ang gising.

"Ya!! You scared me!"

Tumawa lang siya saka tumungo sa ref. "Magugulatin ka na nitong nakaraan ha. Anong meron?" tanong niya.

Patuloy lang ako sa paghahalo ng warm milk sa baso ko, kaya hindi ko napansin na lumalamig na pala. Kanina pa ba ako tulala dito?

It feels like I'm going crazy so I heaved a deep sigh of defeat as I realized na I have no choice but to talk to Yaya about this. I need another person's perspective.

I watched her moving around the kitchen, my lips ready to spit the words that I've been composing in my head, over and over.

"Ya-- can I tell you something? Promise na you'll never tell anyone?"

She glanced over her shoulder for a quick second, before focusing back on the groceries that she's organizing.

"Oo naman. Ano 'yon?"

Pinaglaruan ko ang daliri ko dahil sa pagdadalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi. Gosh, this is so frustrating!

Napatingin ulit siya sa'kin na tila naghihintay sa kung anong sasabihin ko, kaya bumuga na lang ako sa hangin at pikit matang iniluwa ang mga salita.

"How will I know if I'm falling for someone already?"

After the last word has been said, I finally released the breath that I didn't know I was holding in.

Instead of a hysterical reaction like I was expecting, I heard Yaya giggling which confused me so much!

Okay, first of all, protective 'yan sa'kin kaya natatakot ako noon na sabihin sa kaniya na may nanliligaw sa'kin, pero bakit ngayon, parang ayos lang sa kaniya?

"Ya, I'm serious! Huwag mo po akong tawanan," pagtatampo ko dahil baka hindi niya ako sineseryoso.

She dropped whatever she's doing, then she headed to the opposite side of the island counter that I'm leaning against.

"Ito namang batang 'to! Walang masama kung may nagugustuhan ka. Normal 'yan. Ikaw lang ang makakaalam kung gaano na kalalim ang epekto sa'yo ng tao."

Ang hirap naman nito! Ako lang talaga ang pwedeng makaalam?

"Paano kapag mali ako, Ya? What if magkamali ako, what if I get hurt--"

"Aba'y talagang masasaktan ka, 'nak. Walang taong nagmahal na hindi nasaktan, pero huwag mong katakutan dahil mas lalo lang lalala ang takot mong 'yan kapag hindi mo sinubukan. Magsisisi ka pa kapag hindi mo pinagbigyan ang sarili mo," paliwanag niya.

Ugh! Her words make sense, but I don't know why my mind is refusing to absorb it all.

Inabot niya ang kamay ko at hinawakan 'yon. "May tiwala ako sa'yo, Auria. Alam kong alam mo ang mga limitasyon ninyo ha. Bilang parang pangalawang magulang mo na rin ako, tinutulungan lang kitang klaruhin ang isipan mo, pero nasa sa 'yo pa rin ang desisyon. Ikaw lang ang makakaalam kung handa ka o hindi."

Now, I'm getting scared. Much more scared than I was before this topic was opened by none other than? ME!

Yes, I'll admit, duwag ako! Duwag ako kasi alam kong hindi lahat, nauuwi sa fairytale ending. In fact, I don't think there's such a thing as a fairytale ending.

Let's face it, this is reality! And in reality, hindi mo alam kung kailan ka sasaya.

***

I couldn't sleep, and I've been trying to, for the past hour.

Back To The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon