Chapter 19 : Movies and Nicknames

45 11 0
                                    

Rafael

Seeing Auri crying really hurts something in me. Pakiramdam ko, obligasyon kong patahanin siya at patawanin tuwing nalulungkot siya.

I sat beside her on all of our classes so she knows that I'm within her reach.

Still, after everything that happened today, what really stuck with me is the fact that she cried because she was worried for me. I think that's one of the most flattering thing that a woman could do for a man.

Napakaswerte mo, Rafael! Sino ka ba?

"Ayoko pang umuwi," sabi niya habang naglalakad kami palabas ng campus.

As usual, Amelie went ahead of us. Makikipagkita raw sa ka-MU niya na hindi pa namin nakikilala ni Auria.

"Anong gusto mong gawin?" tanong ko.

"Kain tayo ng streetfood sa labas. Libre ko," aya niya habang nakangiti ng maaliwalas.

She looks adorably excited. Mukhang binabawi ang energy na nawala sa kaniya noong umiiwas siya sa'min. Kanina pa nga siya sabi nang sabi na babawi siya.

I didn't realize that I was already smiling while staring at her bright, twinkling, almond brown eyes. "I can't say no to that."

Together, we headed outside to our usual streetfood place, kay Manong!

"Magandang hapon po, Manong!" Auria greeted him politely.

I flashed a smile as a way of greeting him, as well.

"Magandang hapon sa inyo! Tapos na ang klase?" tanong niya habang tumutusok kami ng bagong lutong fishballs.

"Opo, kakatapos lang," sagot ni Auri sa kaniya.

Mukhang gutom ang kasama ko dahil puno ang baso. Hahaha! Siya ang kilala kong kahit gaano karaming kanin o pagkain ang kainin, hindi tumataba.

"Ang konti? Dagdagan mo pa," puna ni Auri habang nakatingin sa plastic cup na hawak ko at siya na rin mismo ang kumuha ng pandagdag.

"Pinapataba mo ako," biro ko.

Bigla siyang natawa. "Kailan ka pa naging concious sa figure mo? You have a good figure naman ah?"

If Auri, who looks such like an angel says that I look good, then I believe her.

Nilapit ko ang bibig ko sa tenga niya, saka ako bumulong. "Syempre, maganda ka, kailangan bagay ako sa'yo."

Kumunot ang noo niya habang nakapigil ang ngiti sa mga labi. "Bagay ka naman sa'kin ah? Who says na hindi?"

Akala ko, ako ang magpapakilig! Hanep, ibang klase rin bumanat itong nililigawan ko eh! Titiklop ako nito.

Dali, Rafael! Mag-isip na ng pwedeng pambawi.

Anak ng teteng, wala akong maisip! Nabablangko ako! Maaya na nga lang lumabas.

"Gusto mong manood ng sine? 'Di ba, ayaw mo pang umuwi? Nood na lang tayo, 'tapos ako na ang maghahatid sa'yo pauwi," aya ko.

Mukha siyang batang naka-focus sa kinakain habang tumatango sa imbitasyon ko. "Okay. Tara na, para umabot tayo sa afternoon screenings. Baka gabihin tayo masyado," sabi niya habang binabayaran ang mga nakuha naming pagkain.

Nagpasalamat at nagpaalam kami kay Manong bago kami tumungo sa terminal ng jeep.

Habang naghihintay, may sasabihin yata si Auri sa'kin kaya humarap siya, kaso napansin kong nagkalat ang fishball sauce sa gilid ng labi niya.

"May tissue ka?" tanong ko sa kaniya.

Dumukot siya sa bulsa ng pantalon na suot, saka inabot sa'kin.

Back To The Night We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon