Nanlulumong tinignan ko ang love letter sa aking kamay, ngunit napaangat din ng tingin nang may tumapik sa aking balikat.
Nilingon ko ito at bumungad sa aking ang maamo ngunit may bahid na inis nitong mukha kaya pilit akong ngumiti dito.
"Anong nangyari sa mukha mo tukmol?" prente pa itong umupo sa tabi niya.
"Wala" akmang itatago ko na ang love letter ng hinablot niya ito sa aking kamay at binasa. Hindi ko maiwasang hindi mamula dahil sa ginawa ng aking kaibigan.
Akala ko ay pagtatawanan nito ang aking pagiging mais ngunit seryoso lang itong bumaling sa akin.
"Bulag ka ba?" nagtaka naman ako dito "Anong nakita mo dun sa babae na yun? Hindi mo deserve ng kagaya niya you deserve better than that. ang ganda kaya ng love letter. Baka nga kung ako ang binigyan mo, kikiligin at matutuwa ako"
She's irish my childhood friend. Even we are in our college magkasama parin kami. Akala nga nila ay noong una ay girlfriend ko ito. I admit she's attractive, beautiful. She also had a pure heart. I also love how she thinks but I only see her as my friend.
Kahit sawi sa araw na yun ay nagpatuloy parin akong ligawan si jenny. ang muse sa aming room. Marami ang nanliligaw dito ngunit ako lang ang hinayaan nito at hindi nagtagal ay naging kami.
Noong una, masaya naman kami pero habang tumatagal ay nag iiba na ang ugali nito.
"Gagala pala kami mamaya ng mga kaibigan ko, seb. huwag ka nang sumama nakakahiya sa mga kaibigan ko eh" halos hindi na ako makatingin dahil sa sinabi nito.
"Baka naman may extra perang ka diyan, Kailangan ko lang talaga mamayang hapon" agad kung tinignan ang aking bulsa at tanging isang libo na lang ang natira.
"J-Jenny, isang libo na lang kasi ang natitira eh" agad na umasim ang mukha nito at hinablot sa kamay ko ang isang libo.
"Kulang pa 'to, pero baka pwede kang manghiram doon sa kaibigan mong hilaw" napabuntong hininga na lang ako at napahilot sa aking sintido.
Anak mayaman si Jenny kaya brat ito kung umasta. Akala niya noon ay napakabait at tanggap nito kung anong kaya niya lang ibigay pero hindi pala.
Naisipan ko na lang puntahan ang aking kaibigan. Pagpasok ko pa nga lang sa bahay nila ay naabutan ko itong naka de kwatro habang naglalaro na naman panigurado ng ml.
"Iris" tawag ko dito. Agad naman itong lumingon sa gawi ko at tumayo bago ako nito pabirong sinuntok sa braso.
Sanay na ako sa ganitong asal ni iris na daig pa ang lalaki kaya din marami ang mga takot manligaw dito imbis na maka porma ay suntok agad ang binibigay niya sa mga ito.
"Upo ka, tukmol" iginiya niya pa ako sa kanilang upuan.
"Para ka talagang hindi babae, iris. Hanggang ngayon ba ay wala ka pang plano mag boyfriend? Support naman kita eh" agad na nalukot ang mukha nito.
"Sakit lang naman sila sa ulo eh, tsaka ano hindi ko sila kailangan" iniwas pa nito ang tingin sa akin.
"Yung totoo, irish. may nagugustuhan ka na ba?" may ngising tanong ko dito.
Agad bumaling ang atensyon nito ulit sa akin at inirapan ako "Huwag ka na ngang mag tanong, seb. Ang intindihin mo yung girlfriend mong bruhilda" agad na nawala ang ngisi ko dahil dito at nagbaba ng tingin.
"May problema na naman kayo no? Aysus sinasabi ko na nga ba seb. Hindi siya ang babaeng para sayo" sinapak pa nito ang braso ko.
"Pwede ba akong mag hiram ng isang libo, irish?" kahit nahihiya ay kinapalan ko na ang aking mukha.
agad nitong binunot sa bulsa at padarag na binigay sa akin ang isang libo "O ayan, ibibigay mo na naman yan sa girlfriend mong bruhilda nako. Sasabunutan ko na talaga yun" agad kung niyakap ang kaibigan.
"Salamat dito, Irish. The best ka talaga!" tanging irap lang ang naging tugon nito sa akin.
Kinagabihan din ay agad na akong pumunta sa boarding house ko at naabutan ko doon ang aking girlfriend na bihis na bihis.
Nang makita ako nito ay agad niyang nilahad ang kaniyang palad, kaya agad kung binigay ang isang libo sa kaniya.
"Salamat dito. By the way, hindi ako makakauwi mamaya kaya ikaw nang bahala. aalis na ako" dumukwang ako para sana halikan ito sa noo ng bigla ako nitong lagpasan.
Pasado alas otso ay naisipan ko nang matulog ngunit nagising na lang ako mga bandang ala una dahil sa tunog na nanggagaling sa aking telepono.
Pungas pungas ko pa itong sinagot.
"Seb, paki sundo naman si jenny dito o" boses ng kaibigan ni jenny kaya dali dali na akong nagbihis para puntahan siya.
Pagkadating ko ay ang mga kaibigan ni jenny ang aking naabutan habang may dismaya sa mukha nila at tinuro ang kwarto kung saan si jenny.
Ngunit para akong natulos sa kinatatayuan ng marinig ang mga ungol na nagmumula sa kwarto.
Pinagtiisan ko siya kahit na sobrang sakit na pero ito ay hindi ko na nakaya kaya agad kung kinalampag ang pintuan at paulit ulit na pinagsusuntok habang may mga luha paring umaagos sa aking mata.
Kalaunan ay bumukas din ito at bumungad sa akin ang lalaki ni jenny. Kung hindi ako nagkakamali ay ito ang isa sa mga kaibigan niya.
"S-Seb!"
"Pagod na pagod na ako, jenny. I did everything for you kahit ubos na ubos na ako i have enough of your shit. Maghiwalay na tayo!" agad ko na itong nilampasan.
Imbis na tumungo sa boarding house ay napadpad ang aking paa sa tapat ng bahay ng aking kaibigan at doon humagulhol.
Agad naman itong bumukas at inuluwa noon ang aking kaibigan. At nang makita ako nito ay walang sabi sabi ay niyakap ko ito.
"Anong nangyari sayo tukmol?"
"H-Hiwalay na kami, iris. She cheated!"
Kinalas nito ang pagkakayakap sa akin at hinarap ako. "Buti naman at natauhan ka na sa kahibangan mo. Now you know, ito yung lagi kung sinasabi pero binabalewala mo"
"Puro ka kasi si jenny, si Jenny na lang palagi. ang manhid mo. Nasasaktan ako tuwing nakikita kitang nasasaktan. Tan*ina naman niya. Naiingit nga ako eh kasi yung taong mahal ko nasa kanya!" nagulat ako dahil sa pag amin nito.
"Mahal kita pero kaibigan lang ang tingin mo sa akin. Ako yung nandyan pero siya ang hanap mo! May puwang nga ako sa puso mo pero bilang kaibigan mo! Sawang sawa na akong maging kaibigan mo lang seb" humihikbi nitong saad.
"I-Irish"
"Gusto kung maka move on. Tama na to seb" tinalikuran na ako nito.
Sa araw din na yun ay dalawang tao ang nawala sa akin, sa araw na yun nasaktan ko ang babaeng palaging nasa tabi ko, yung babaeng mahal ako at tanggap kung sino ako.
Ilang taon na din ang lumipas at narealize ko na mahal ko pala siya. takot lang ako na sumugal at mawala siya. At ngayon, ito ako tinitignan siya sa malayuan habang nasa bisig ng kaniyang bagong minamahal.