One Shot Story 13

2 0 0
                                    

We started as rivals, then became lovers. Our relationship only lasted four years. We tried to save it, but I ended up giving up—not just on our relationship, but I got tired of her too.

Nasasaktan ako tuwing masaya siya na nadadapa ako just to be the top. I should not invalidate her feelings, but she shouldn't invalidate mine either.

Ilang araw ko na din itong nakikita. Nakakapanlumo tuwing nakikita ko ito na pinapagod ang sarili para lang makapag-aral, as I know she came from a rich family.

When I saw her yesterday, I felt a pang in my chest while watching her cleaning the store. She looked so pale.

I wanted to hug her, to comfort her, but I'm afraid she might push me away. Ako ang may kasalanan, ako ang unang napagod, pero alam ko sa sarili ko na mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya.

“Nandito ba si, Bea?” kuha ko sa atensyon ng babaeng kasamahan ni Bea.

Agad naman itong tumango. “Nandito nga, pero sobrang putla niya.”

Hindi ko maiwasang mag-alala. Kahit apat na taon na kaming hiwalay, ay lagi parin akong nasa paligid nito para bantayan siya, para iparamdam sa kaniya na nandito parin ako, pero kahit siya ay pilit na ding lumalayo sa akin.

Nanghihina akong napaupo habang hinihintay siya. Ilang oras pa ang hinintay ko bago ko ito nakitang lumabas.

I could see a lot of emotions in her eyes. She looked tired, sad, and lonely.

“Bea” I called softly.

Nakita kong nanigas ito sa kinatatayuan bago ako nilingon.

“What are you doing here, Stev?” she asked using her weak voice.

“Can we talk?” I asked gently, but I felt disappointed when she shook her head in disapproval.

“I’m sorry, pero marami pa akong gagawin” sabi nito bago tumalikod.

“Wait, Bea” pigil ko dito. “I know wala na akong karapatan, alam kung ako ang unang sumuko, pero please alagaan mo ang sarili mo. Don’t be too hard on yourself, please” pakiusap ko. Kahit nakatalikod, nakita ko itong tumango bago ito tuluyang umalis.

That was the last time I saw her. The next morning, I went to the store where she worked, but sadly she was not there. Ilang weeks na daw itong hindi pumapasok.

Hindi rin ako makatulog kakaisip kung kamusta ba ito, kung kumain na ba ito, kung nalulungkot ba ito, kung may yumayakap ba sa kaniya kapag malungkot siya.

Kahit nga ata maubos ang pera ko para mag-commute makita ko lang siya, ay ginawa ko, pero ni anino nito ay hindi ko mahagilap.

So, I decided to call her closest friend. I swallowed the lump in my throat before dialing her number.

Ilang dials pa bago ito sumagot. “Hello?”

“Aria, it’s me” mahina kong ani.

“Napatawag ka? May problema ba?” she asked on the other line.

I sighed before scratching the side of my nose. “Do you know where Bea is?”

Narinig ko ang mabibigat nitong buntong-hininga sa kabilang linya.

“I-I'm s-sorry but I can't tell you right now,” nanginginig na sagot nito sa kabilang linya.

Parang dinaga ang dibdib ko habang pinapakinggan ito. I know that there was something wrong.

“Please tell me where she is” I almost pleaded.

She was hesitant at first, but she eventually gave me the address of where Bea was.

Nang dumating na ako sa binigay na address ni Aria ay bahagya pang kumunot ang noo ko. It was not a house but a hospital.

I didn’t want to overthink, so I dialed Aria's number again, but she did not respond. She just sent me a message saying, “Bea is there, nasa room 230 siya.”

Sa sobrang takot ko na baka anong mangyari ay halos tumalon na ako makapunta lang sa room nito.

When I got there, para hinahalukayin ang tiyan ko sa sobrang lamig, ang mga kamay ko ay nanginginig na din habang nakahawak sa siradura.

Ilang buntong-hininga pa ang ginawa ko bago ko ito unti-unting pinihit.

Pero isang babaeng sobrang putla, pati ang balat niya ay sobrang putla na din, at ang kaniyang timbang din ay bumaba ang bumungad sa akin.

Ang laki ng pinagbago ng mahal ko. Sobrang payat na niya, nakikita ko sa mukha nito ang labis na paghihirap.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak habang unti-unti akong lumalapit sa kinaroroonan niya.

Kinuha ko ang kamay nito at dinala sa aking labi. Kung alam ko lang na mangyayari 'to, sana hindi na lang ako umalis sa tabi nito.

Mukhang naalipungatan ito dahil sa paghalik ko sa kamay nito kaya unti-unti itong nagmulat.

Kita sa magandang mukha nito ang gulat.

“W-Why are you here?” she asked weakly.

“I should be the one who should ask you that. Kaya kita pinayagan na hiwalayan ako dahil gusto kong magpahinga muna at nangako ka na aalagaan mo ang sarili mo” I caressed her face.

“Napagod lang ako pero hindi ako nawala sa’yo. Nandito pa rin ako, nagmamahal sa’yo.”

“But I just tired you. Naging makasarili ako to seek academic validation. Hindi ko dapat iniisip na kaaway kita, pero hindi ko maiwasang mainggit tuwing pinupuri ka habang ako kinukumpara sa’yo” umiiyak nitong sumbong.

Kung alam ko lang na ganito ang nararamdaman niya, mas naging better partner pa sana ako sa kaniya.

“I’m so proud of you, mahal. You achieved your dreams without me. My sacrifices were worth it. You chose yourself for the first time” she added, which made me stunned.

“Naiiyak ako kapag ako yung iniisip mo, pero imbis na maging grateful ay mas naging competitive pa ako. I should not let people’s opinions poison my mind. Sana pinagkatiwalaan kita” dagdag nito.

Halos madurog ang puso ko habang pinapakinggan ang hikbi nito. Ako na mismo ang kumabig dito at niyakap siya.

I felt contented while hugging the woman I love the most. The woman who thinks of everyone’s sake pero mismong sarili niya ay pinababayaan niya.

I thought we would be happy again, but I was wrong when she told me that she had breast cancer.

Walang araw na hindi ako bumibisita sa kaniya, walang palya ang mga ito.

Kahit na nakakatawa na ito, I know that deep inside those smiles were hiding a deep, deep pain.

“Love, thank you for being here. Sobrang saya ko habang nandito ka, yakap-yakap ko” malambing niyang ani.

“I’ll always be here, love” bulong ko sa tenga niya.

“Just why I’m grateful despite treating you as my rival, you still chose to love me even when people got tired of loving me, that even my parents abandoned me, nandito ka parin” she said weakly.

“Always smile even though I’m not here anymore, okay?” Halos manginig ang kamay ko sa sinabi nito, but I managed to fake a smile to hide my true feelings.

I thought I could still celebrate Christmas with her, pero sobrang lupit ng mundo. Kinuha siya nito kinabukasan.

Parang may parte sa puso ko ang nawala habang binabasa ang letter na sinulat niya para sa akin. She’s the purest woman I’ve met. Despite the cruelty that the world inflicted on her—the pressure, the hurtful words from her parents—she still forgave them.

Even though years had passed, she still remains in my heart. Even when my hair turns gray, her memories in my mind and my heart are still nostalgic.

My one shot stories Where stories live. Discover now