One Shot Story 18

0 0 0
                                    

Naiiling na nilapitan ko ang aking girlfriend na kanina pa hindi maipinta ang mukha, pero mas lalo lang itong umatras habang naka-cross pa ang braso.

"Oh c'mon, Cy. Hindi na ako natutuwa sayo" ani ko dito.

"So Cy na pala ang pangalan ko ngayon? Hindi na love?!" inis nitong singhal at bigla na lang humiga sa lapag. Kaya halos lahat ng tao sa mall ay napapalingon na lang sa kaniya.

Napasapo na lang ako sa noo ko, lalo na noong gumulong-gulong pa siya na parang bata. Kaya nilapitan ko ito at pilit na pinapatayo, pero mas lalo lang itong nagmamatigas sa akin.

"Love, please" at dahil nagmamatigas pa ito, wala na akong nagawa kundi buhatin ito na parang sako. Nagtitiling hinampas nito ang likod ko, pero isinawalang-bahala ko na lang iyon at patuloy sa paglalakad.

Pagkadating namin sa parking lot , pinapasok ko na ito sa loob ng kotse. "What's our problem, love?" kalmadong tanong ko.

Agad na ngumuso ang mapupula nitong labi. "Nakita kita kanina habang kasama mo 'yung babae mo. You look happy" naiiling na binuhat ko ito at nilagay sa aking kandungan.

"She's not my woman, okay? She's my workmate, love. You know that I love you, right?" agad itong tumango. "Kahit lagi kang may tupak, kahit lagi mo akong inaaway na walang dahilan, kahit pa gumulong ka pa sa buong mall tuwing magseselos ka, I will still love you." masuyo kung ani sa aking girlfriend at niyakap siya.

Sa tatlong taon ko siyang naging girlfriend, nasanay na din ako sa kanya. Lagi kung tinataasan ang aking pasensya when it comes to her. Ang kinakatakot ko lang ay damuting kami sa punto na baka mapagod kami pareho.

Pagkatapos noong araw na iyon, pareho na kaming naging busy. Minsan na lang kami nag-uusap, kaya minsan ay nagtatampo na din ito. Kahit gusto ko man, hindi ko magawa itong puntahan.

Nung sumapit ang Sabado, naisip kung matulog na lang buong araw para makabawi sa halos isang buwan kung pagtratrabaho.

Akmang ipipikit ko na ang aking mata, ng bigla na lang bumukas ang pinto sa aking kwarto, iniluwa nito ang aking girlfriend na nagtatalon na papunta sa akin.

Napahilot na lang ako sa aking sintido. "Why are you here?"

"Visiting you, duh. Nakakatampo ka talaga, love. Hindi mo man lang ako mabisita. You never give me a time na siguro may iba ka na."

"Please, Cy. Not now, I'm too tired" pagod kung saad dito. Akmang pipikit na ng magsalita ito.

"Ako ba, hindi? I'm also tired, pero pumunta pa ako dito para lang makita ka kahit kunting oras lang naman. Eh hindi mo pa ako mapagbigyan, siguro may iba ka nang babae!" sigaw nito.

"Will you please stop this one? I'm so tired, Cy. Nakakapagod naman. I'm always giving you the assurance you want, pero lagi mo akong pinagbibintangan na may babae, kahit wala naman. I'm not like your ex!" napupunong balik ko.

"And if you still don't trust me, hindi mo pa ako kayang pagkatiwalaan sa lahat. Let's break up, kung yung ex mo na naman ang nakikita mo sa akin!" pahabol ko.

"I-Im s-sorry, please don't do this to me!" iyak nito, ngunit nag-iwas lang ako ng tingin dito at lumabas sa aking kwarto.

Since that day happened, hindi na nagpapakita si Cyril sa akin na pinagsisihan ko. Napakatanga ko lang na napagbuntungan ko ng aking galit si Cyril.

Hanggang sa lumipas na ang taon, at sa wakas, nakipag-usap na din ito sa akin. She even invited me.

I smile at her when I see her walking towards me. "Thank you for coming, Caleb" may masayang ngiti ang naka-ukit sa kaniyang labi na mas lalo nitong kinaganda.

"Are you happy, love?" I ask her softly.

She nod. "I am. I'm very thankful to you dahil hiniwalayan mo ako noon, Cal. Kung hindi dahil sa'yo, I can't meet the right man for me. The man helped me to grow and to be a better person."

"Mahal niya ako higit pa sa pagmamahal mo sa akin noon, kahit nga gumulong pa ako sa buong mall ay hindi siya naiinis, kundi sinasamahan niya pa ako" she chuckled "He understands me, calleb. Tinataasan niya yung pasensya niya para sa akin"

Ang babaeng minahal ko noon, ay isa nang ganap na babae ngayon. She will get married to a man that can understand her. A man who accepts her truly. Even in her childish side.

"Thank you for inviting me, Cy. Always remember that I love you. Be happy to him" niyakap ko ang babaeng akin noon, ngunit may nag-mamay-ari na ngayon.

My one shot stories Where stories live. Discover now