"Kahit tayo ay tumanda, ikaw parin ang iibigin sinta" kanta ng aking nobyo kaya hindi ko maiwasang ngumiti ng malawak bago ako nagtatakbo papunta sa kaniya.
"Hey, careful baby!" saway nito nang muntik na akong matisod.
"Bakit ang tagal mo namang akong dinalaw dito?" i pout, but he looks away.
Agad ko namang sinapo ang kaniyang mukha at pinaharap sa akin. "May problema ba tayo?" tanong ko dito.
"Baby, I don't want to go there just to pursue my dream. Ayaw ko na iwanan ang aking tala" may lungkot sa mata nitong sabi kaya nginitian ko, ito to assure that it's okay.
"Pumunta ka. hindi naman ibig sabihin nang pag alis mo ay maghihiwalay tayo. I trust you, Jayros."
"Hindi din ako gagawa ng ikakasakit mo, baby Marco, I promise to you that."
We are actually both men. I admit to myself that I'm not straight, I'm attracted to men.
And I met Jayros, he's actually my classmate in grade 12, therefore our relationship is almost 4 years.
That's when we both decided na ipaalam sa mga magulang namin ang aming relasyon, but both of our families are against it, they find it disgusting.
Kaya simula noon ay palihim na lang kaming nagkikita ng aking nobyo.
"Aalis na ako, marc. baka hinihintay na ako sa amin." Doon lang napukaw ang aking atensyon at nginitian ang aking nobyo.
"Ingat sa pag-uwi ah?" dumukwang ako para sana halikan siya ng bigla na lang itong umiwas, na ikina-kunot ng noo ko.
"Uhmm.. Baby, baka ilang araw din akong hindi makakabisita sayo, may mga gagawin pa kasi ako bago ako umalis eh" may kung anong bigat akong naramdaman sa aking dibdib ngunit nagawa ko parin itong ngitian.
"Uwi na ako" niyakap ako nito kaya niyakap ko din ito pabalik.
"I love you" ngunit wala akong nakuhang sagot dito, at nang kumalas na ito, ay may kung anong dumaang emosyon sa mata nito bago ako nito tinalikuran.
Akala ko ay pagod lang siya, pero lagi kung napapansin ang pagnlalamig niya sa akin.
Two weeks na din ang panlalamig niya sa akin.
I have this gut feeling that there's something happened, so I decided to go there.
"Sure ka ba na pupuntahan mo talaga siya?" tumango ako sa aking matalik na kaibigan.
Kaya nagpasya kami na pumunta sa bahay ni Jayros, at pagkadating namin ay napansin kung ang daming mga sasakyan sa tapat nila at bukas din ang gate kaya pumasok na kami.
Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang madaming tao, kaya ang iba sa kanila ay napalingon.
Ngunit mas napukaw ng aking atensyon ang dalawang tao na nasa stage.
"Rebeca, matagal na kitang gustong pakasalan. Gusto ko na bago ako umalis ay makasal muna ako sayo" habang pinagmamasdan ko ito ay hindi ko maiwasang maluha.
"Will you marry me?"
"Yes, Jayros!" masayang sinalubong ni Jayros ng halik ang babae, at nang humarap ito sa mga guest nila, nagulat pa ito ng makitang isa ako doon.
"M-Marco?" nauutal niyang sabi at patakbong lumapit sa akin.
"Kaya pala ganun na lang yun, may iba na pala" pinigilan ko na huwag maiyak sa harap nito.
Agad namang lumapit ang babae sa amin. "Sino siya, hon?" tanong nito.
"K-kaibigan ko lang" mas lalong nadurog ang puso ko sa naging sagot nito.