Akma pa sana akong tatawid papunta sa ABM building ng biglang namataan ko ang crush ko na taga-STEM.
Agad kong inayos ang mga hibla ng aking buhok na nakatabon sa aking mukha at sinadyang banggain ito. Nang magtama ang paningin namin, nagpanggap akong nagulat pero sa loob-loob ko, halos mangisay na ako.
"I'm sorry, miss" he said.
Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kabuuan ng mukha niya. Para siyang may lahi, kulay abo ang kaniyang mga mata, may matangos na ilong, mamula-mula ang kaniyang namamasang labi at makapal ang kaniyang kilay, maputi rin siya.
"Done checking me, miss?" doon lang ako nabalik sa kasalukuyan, bahagya pang kinurap-kurap ang mata ko at alanganing ngumiti rito.
"Sorry po.. " mahinang sabi ko, tumango lang ito at nilampasan ako. Impit naman akong napatili at pumasok sa loob ng room na may ngiti sa labi.
It's almost two years since I had a crush on him. We were in grade 10 that time, he's my superman, he saved me from those bad guys, but he can't remember me while I still do.
When we were in grade 12, doon ko lang nalaman na STEM student siya. He's Timor, a handsome, humble, and smart student in their room.
Simula nang magkabangga kami, doon niya lang ako napapansin, hanggang sa minsan ay nauuwi pa sa kwentuhan tuwing nagkakasalubong kami.
"Timor, gala naman tayo sa Sabado" pangungulit ko, bahagya pang nakanguso.
Naiiling na lang ito sa akin. "You know that I can't, Gel. I have a lot of things to do."
"Please" pangungulit ko, napabuntong hininga na lang ito at tumango sa akin.
Halos tumalon ang puso ko sa tuwa. Pagka-gabi din na iyon, gumala kami, halos lahat ay pinuntahan namin at parehong may ngiti sa aming labi.
"Thank you for tonight, Gel. I do appreciate it. You know I need this. Thank you for making me happy tonight, Gel" he said with full sincerity in his voice.
Malapad ang ngiting bumaling ako dito. "Basta ikaw ba."
Simula ng araw na iyon, ang daming nagbago. Timor is acting weird. I don't want to assume things, but he gives me mixed signals, or maybe it's just how he treats everyone.
"Huwag kang magpapalipas ng gutom, Gel. Always call me when you have a problem, okay?" paalala niya sa akin.
Malungkot akong tumango dito. Agad naman itong napabuntong hininga at lumapit sa akin. Halos manlaki pa ang mata ko ng hinapit niya ako at niyakap.
"You don't have to be the best like them. Stop pressuring yourself to meet your parents expectations. You did your best, and I'm so proud of you." Hindi ko mapigilang hindi maiyak at niyakap din ito pabalik.
Kahit nalulungkot at namamaga pa ang mata ko sa kakaiyak, pumasok pa rin ako.
"Hey" bahagya pa akong napaigtad ng kalabitin ako ng kaibigan.
Kita ko sa mga mata nito ang pag-aalala. "May kailangan ka?" matamlay kong tanong dito.
Umiling naman ito. "Kain na lang tayo. Gusto mo?" malambing nitong alok, ngunit tumanggi ako dahil naalala kong sasabay si Timor.
Nang lunch break, agad kong binitbit ang mga gamit ko at pumunta sa canteen. Nang mamataan ko si Timor na may kausap sa cellphone, dahan-dahang akong naglakad papunta sa kanya.
Sinilip ko ito at narinig ko ang boses ng babae, napakalambing ng mga iyon at para kang dinuduyan. Nakita ko pa sa peripheral vision ko ang malapad at masayang ngiti sa mga labi nito.
Pagkababa niya sa cellphone, doon lang ako tumikhim. Bahagya pa itong napatalon sa gulat, ngunit ngumiti lang ako ng maliit sa kaniya.
"Kanina ka pa ba?" naiilang na tanong nito, agad akong umiling.
"Kain na tayo" tipid kong ani at umupo sa tapat niya.
"Okay ka na ba?" maya-maya ay tanong niya. Tamad lang akong tumango at sinubo ulit ang nasa kutsara ko.
"Aalis pala ako," paalam nito sa akin.
"Okay."
"Are you sure you're okay?" alanganin nitong tanong.
Mapakla akong ngumiti dito. "I'm okay nga, Timor. Pagkatapos ko pala, pwede ba tayong mag-usap?"
Tumango ito. Agad naming niligpit ang pinagkainan at pumunta sa may malaking puno.
"Anong gusto mong pag-usapan natin?" malumanay na tanong nito.
"You have a girlfriend?" iyon agad ang naisatinig ko. Bakas sa mukha nito ang gulat sa diretsahang tanong ko.
Nang makabawi, tumango-tango ito. "I have. She's Veronica. Taga ibang campus."
"I like you, Timor" mapait kong ani dito.
"W-Why me?"
"I don't know why, but I like you since the day you saved me. I thought you had feelings for me too, since you're giving me mixed signals."
Pagod itong napailing. "I never, Gel. Ganun ko ituring ang lahat. Even my boy friends, Gel."
"Umasa ako, Timor eh. Akala ko meron na, pero wala naman pala" malungkot ko itong tinitigan.
"I'm sorry, Gel. But I can't love a friend. Hindi ko gusto na umasa ka dahil, unang-una pa lang ay hindi ko sinabing umasa ka. Kaibigan lang talaga kasi ang tingin ko sayo" mahabang paliwanang nito.
"Hindi ka masasaktan kung hindi ka umasa, Gel. Dahil kung gusto kita, matagal na dapat kitang niligawan, pero may gusto akong iba eh" halos mabato ako dahil sa sinabi niya.
He's right, hindi niya gustong umasa ako, kusa akong umasa sa wala.