"Ian, sasama na ako sa'yo, please." Hindi makapaniwala tinignan ko ang aking girlfriend.
"Chelsea, napag-usapan na natin 'to, diba? Kung sasama ka sa akin, hindi kita kayang buhayin, at alam kong hindi ka rin sanay sa buhay mahirap" ani ko dito, but she just pouted.
"Look, love. Kapag nakapagtapos na ako ng pag-aaral at kapag ganap na akong engineer, pangako, kukunin na kita. I'll shower you with all the things that you deserve, love." Nilapitan ko ito at niyakap.
"Please love, I don't want to be in our house, nasasakal na ako, ayaw ko nang ganun." Napabuntong hininga na lang ako at pumayag na rin.
She's Chelsea, my girlfriend for almost 5 years. Anak mayaman si Chelsea, habang ako naman ay anak mahirap lang at pinapag-aral ang aking mga kapatid.
Kung titignan, napakalayo namin sa isa't isa, pero kapag pinana ka na talaga ni kupido, wala ka nang pakialam kahit ano pa man ang estado nito.
Pagkatapos kong magtrabaho, agad kong pinuntahan ang aking girlfriend. Naabutan ko ito na umiiyak sa isang bench kaya agad akong lumapit dito bago ito kinabig para yakapin.
"Anong nangyari?" nag-aalala kong tanong dito.
"Pinalayas ako ni dad. He found out about our relationship, and worst is, he hit me." Sinapo ko ang pisngi nito at agad na nagdilim ang aking paningin dahil sa pasa sa gilid ng labi nito.
"Let's go" inalalyan ko ito. Una naming pinuntahan ang aking ina.
Ngunit hindi ito pumayag na patirahin ang aking girlfriend kaya wala akong nagawa kundi ang umupa na lang.
"Ayos lang ba talaga 'to sayo, love?" Paninigurado ko dito.
"Oo, as long as kasama kita."
Sa isang buwan naming nangungupa, masasabi kung masaya naman ang aming buhay isama pa ang napakabait naming landlady na hindi kami pinapabayaan.
Ngayon ay araw ng lingo, so we both decided to go to church. Pero nagulat pa kami nang may ikakasal pala dito.
"Pangarap ko din na ikasal tayo dito, mahal." Nakangiting sinalubong ko ang tingin ng aking girlfriend.
"Ako, kahit saan basta ikaw ang bride. Imagine mo na lang na tayo ang ikakasal."
Masaya naming pinagmasdan ang bagong kasal at sabay na nangarap na balang araw ay ikasal din kami sa simbahan.
Pagka-uwi namin, agad ko na itong pinagpahinga dahil nananakit din ang tyan nito.
"Aling Pasita, kayo na ho ang bahala sa asawa ko po ah."
"Oo naman hijo, ako na ang bahala dito."
Agad akong umalis sa bahay. Pagkapasok ko pa lang sa trabaho, agad na bumungad sa akin ang balita kaya sobrang tuwa ko ay agad akong umuwi ng maaga.
Ngunit ang ngiti na iyon ay napalis dahil sa aking nasaksihan. Si Chelsea, ang aking girlfriend, ay inuuntog ang kaniyang ulo habang namimilipit sa sakit, habang si manang ay pinipigilan naman ito.
Patakbo akong pumunta sa gawi nito at niyakap siya. "Love, stop that."
"A-Ang s-sakit, Ian" hikbi nito. Parang may kung anong sumakal sa puso ko dahil sa hikbi nito.
"Shhhh, dadalhin kita sa hospital." Ngunit bago ko pa man ito mabuhat, nawalan na ito ng malay kaya dali-dali naming itong sinugod sa hospital.
Hindi ako mapakali at pabalik-balik na lumalakad sa labas ng room nito. There's a lot of what-ifs in my head that I hated the most.
"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?" Agad kaming napabaling doon.
"Ako po ang boyfriend, doc."
"Tatapatin na kita, hijo, but your girlfriend had an ovary cancer at malala na pala ito. I think your girlfriend is not aware of it." Halos manlumo na lang ako.
Lutang akong pumasok sa loob ng kwarto ng aking girlfriend. Nang makita itong gising, agad kung pinantayan ang mukha nito at hinalikan sa pisngi.
"L-Love" pinatakan ko din ng halik ang kaniyang labi.
"P-Pagod n-na a-ako" nanghihinang ani nito.
"Mahal na mahal kita, Ian. I'm sorry kung hindi ko na matutupad lahat ng pangarap natin ah."
"Can I rest now?" Kinagat ko ang aking ibabang labi upang pigilan ang hikbi bago dahan-dahang tumango.
"I love you, Ian, heaven knows how much I love you." Doon na kumawala ang aking hikbi nang pumikit na ang mata nito.