Nagising ako ng may tumawag sa pangalan ko ngunit wala akong makita dahil sa sobrang dilim ng paligid.
"Elizabeth" saad ulit ng pamilyar na boses sakin.
"Abbey? Ikaw ba yan?"
"Eliza.. tulungan mo ko! Balikan mo ko rito!"pag-mamakaawa nito sakin.
"Nasaan ka ba? Abbey?"
"Nandito ako! Dito sa cabin nila Ann, please, Eliza puntahan mo ko dito"
"Pero diba patay ka na?"
"Nakaligtas ako may tumulong sakin"
"Sino Ang tumulong Sayo!"
"Si---Eliza! wag kang lilingon!Huwag!lubayan mo sya!" Sigaw ni abbey
"Anong nangyayari? Abbey!"
Biglang may kumalabit sakin at hindi ko sinasadyang mapalingon.
Naramdaman ko nalang na may mga kamay na sumasakal sakin at may naririnig akong tumatawa.
"Mamatay ka Eliza!"
"Huwag!!!"Malakas na sigaw ko.
Napabangon ako at tiningnan ang paligid.
Nandito ako sa kwarto ko pero paano?
Yung panaginip ko isang bangungot ba yun?
Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Yaya Nena.
Nakarinig nalang ako ng pagbagsak ng Plato at baso sa sahig.
" Señora gising na kayo, sorry po lilinisan ko po ito agad at tatawagin ko po si madam para ipaalam na gising na kayo" saad nito at dali-daling umalis.
Mga ilang segundo ay bumukas ulit ang pinto at pumasok si mommy.
"Anak, gising ka na," saad ng mommy niya at niyakap sya.
"Paanong nandito ako?" Nagtatakang saad ko.
"Nandito ka sa mansion dahil madaming mga paparazzi At pulis Ang umaaligid sayo sa hospital at nangangamba din kami sa buhay mo anak, ano nga bang nangyari?"nag-aalalang saad nito.
Di ako nagsalita at tiningnan lang siya.
"Sige, Huwag mo munang sagutin ang tanong ko siguradong dinidibdib mo pa ang mga nangyari" saad ng mommy niya.
"Nasaan si Daddy?" tanong ko.
"Nasa ibang bansa ang daddy mo, may inaasikasong business don, siguradong uuwi din siya agad kapag sinabi kung gising ka na"
Palagi namang ganyan si daddy.
"Anong gusto mong kainin ipaghahanda kita Kay Yaya Nena" saad nito na tilang iniiba Ang usapan.
"Mom, ilang Araw Nako dito?" Saad ko.
"12 days ka nang nandito anak, bakit?"
Umiling ako.
"Pwede po bang sopas nalang ihanda ni Yaya" saad ko.
"Sige, magpahinga ka lang Jan, ilang saglit lang padating nadin yung private doctor natin" saad nito.

YOU ARE READING
The Forest
Horrorkwento ito ng isang barkadahan na pumunta sa isang lugar na di nila alam,pero sa lugar pla na yon ay may nakatagong kababalaghan.