Chapter 1: A Chance Encounter (2)

83 1 0
                                    

Stacey's POV

Ako nga pala si Stacey Aubrey Sevilleja at isa akong Flight Attendant sa isang kilalang kumpanyang panghipapawid. Andito ako ngayon sa USA at may flight kami papuntang Philippines. I was tasked sa Business Class kasi onti lang naman daw ang tao at kaya na ng iba kong mga kasama sa Economy Class. Hindi naman ako nagrereklamong nandito ako pero minsan kasi yung iba rito eh sobrang demanding. Oo, mahal ko trabaho ko pero minsan dumarating din tayo sa punto ng buhay natin na kinukwestyon nalang natin kung kaya pa ba natin. 

At ng kami'y palipad na, nagdemo na ako ng mga kailangang nilang tandaan at gawin sa oras ng sakuna. Pagkatapos ko magdemo ay may nakita akong pulang buhok sa dulo. Sino na naman kaya ito? Mukhang bagong sa paningin ko. Ang puti niya, ang ganda ng kutis niya, ang pula ng buhok niya, at ang pinaka-mahalaga eh ang bango niya.

Pagkatapos kong magdemo ay lumibot naman ako sa cabin upang magtanong-tanong kung anong gusto nilang kainin. May mga tulog at may mga nanghingi rin agad ng mga pagkain. Pagkarating ko sa dulo ay nakita ko naman nang malapitan yung pulang buhok. Agad ko na sana siyang tatanungin ngunit paglingon ko'y mahimbing siyang natutulog. May katabi rin siyang naka-dilaw at parehas silang mahimbing na natutulog. Kaya't hindi ko na muna sila ginulo. Siguro'y tatawagin naman nila ako kung may kailangan sila pagkagising nilang dalawa.

Pagkatapos ko maglibot ay tumungo na ako sa pantry upang i-distribute ang mga pagkain na hiningi saakin kanina. Agad-agad ko naman itong naibigay sakanila. Mahaba-haba ang byahe namin papuntang Pilipinas halos 17 hours din ito mula USA hanggang Pilipinas. 

Maya-maya pa'y may nagbuzz ng pagtatawag sa flight attendant. (Mukhang merong may gustong kumain) sabi ko sa isip ko. Paglingon ko'y sa bandang dulo pala ang pagtawag. Agad-agad naman akong pumunta at tinanong kung anong gusto nila. 

"Hi, I would like to ask what viands do you have?" -Maloi

Grabe naman mag-English 'tong taong 'to. Parang mapapasabak ako rito ah. "Viand" hays,  buti nalang talaga na ULAM yung meaning no'n kainis. Anyways, pagkakuha ko ng pagkain doon sa babaeng naka-dilaw eh hindi ko maipagkakailang may naamoy akong sobrang bango. Siya talaga 'yon eh, babaeng pula ang buhok. Magpapa-poganda points muna ako rito, tanungin ko na rin kung anong gusto niya since gising naman siya. Naks! 

"Hi Ms. What would you like po for your dish?" Sabi ko sakaniya. Pero mukha siyang busy kanina pa sa cellphone niya, kanina pa siya may tinititigan.

"Uhm, what are the options again? Sorry."- Mikha

SHOCKS! Ang pogi naman ng boses niya. Inulit ko naman sakaniya ang mga options ng mga ulam na meron kami sa pantry. Maya-maya pa ay kinuha ko na ang mga pagkain nila. Isang Sinigang na Baboy at isa namang Tinola. Sana lang talaga masarap 'to ngayon ayokong ma-disappoint sila noh! Nagtanong din siya kung may drinks ba, aba shempre todo naman ako sa effort sa pagbalik upang tignan kung anong gusto ni pogi. At binalikan ko rin naman siya agad para sabihin na mayroon kami ng gusto niya. At bago ako umalis para kunin ang pagkain nila ay biglang sumingit ang babaeng naka-dilaw at nagsabi na gusto niya rin daw ng drinks. 

I gave their foods naman agad at mukhang nag-eenjoy naman sila at maya-maya pa ay pinindot ulit nila ang buzzer at agad naman akong pumunta rito dahil isa lang naman ang ibig sabihin neto dahil ay tapos na silang kumain. 

Ilang oras nalang din ay lalapag na ang sinasakyan naming eroplano. Gusto ko na rin maka-uwi muna saamin dahil last trip ko na rin naman muna ito gusto ko rin makipagbonding sa mga friends ko. Namimiss ko na rin kasi sila ilang buwan na rin kaming hindi nakakapagsama at sila-sila nalang ang nakalalabas. Mamaya ay itetext ko sila't may ichichika ako hihi. Chichika ko si poging pula ang buhok na kasabay namin sa eroplano. 

Bound by Destiny: The MikhAiah ChroniclesWhere stories live. Discover now