Chapter 1: A Chance Encounter (3)

58 1 0
                                    


Aiah's POV 

Andito na kami ngayon sa favorite naming Coffee Shop at mukhang ako nalang ang inaantay nilang lahat dahil naka-order na rin sila at since favorite namin 'to, alam na nila ang favorite kong drink Iced Coffee. 

Nag-umpisa namang magkwento si Staku tungkol sa flight niyang naganap today.

"Ay alam niyo baaaa?" -Stacey

"Hindi pa." sagot naming tatlo nila Sheena at Jhoanna at sabay-sabay namin siyang tinawanan nang kumunot ang kaniyang noo.

"Tse! So eto ngaaaaa. Kanina diba nasa flight kami? May nakita akong pogi hihi." -Stacey

"Ano ba 'yan talandi naman ng Staku na 'yan." -Jhoanna

"Lalaki na naman Staku ha?"

"Huy hindi! PoGanda nalang ayan na sige na." -Stacey

"Huh? Anong PoGanda?" -Sheena

"Poging Maganda" - Stacey

"So? Ano siya? Lalaking maganda o Babaeng pogi?" -Jhoanna

"Babaeng pogi hehe." -Stacey

Na-curious naman ako dahil ngayon ko lang ito narinig sa talambuhay ko.

"Bakit? Ano bang itsura niya Staks?"

"Maputi, makinis, tapos eto pa ang highlight sakaniya! Sobrang pula ng buhok niya!" -Stacey

(Hmmm? Pulang buhok na maputi?) Tanong ko sa utak ko.

---------------------------------------------------------

Mikha's POV

After I bought SIM card para magkaroon ng connection, bumalik ako sa coffee shop since I can find peace sa coffee shop 'cause it's too noisy outside. Kaso when I came back there's a group of people na sobrang ingay and I was irritated easily. 

Yung tipong gusto ko lang naman naman munang magpahinga kaso may mga mga iingay na grupo sa dulo. It's like they own this Coffee Shop para sa gano'ng ingay nila. Gosh! Hindi ba nila kayang magusap-usap nang tahimik?! Umiinit ulo ko ha! Imbis na nagrerelax lang ako rito ngayon nababalot ako ng inis!

---------------------------------------------------------

Aiah's POV

Ngayon ay naguusap-usap kami since eto na namang si Staks ay mukhang inspired. Hay nako Stakuuuuu. Ang kikay-kikay ha! Bigla naman akong napatingin sa pintuan dahil may pumasok na mapulang buhok. Agad ko namang ibinaling ang tingin kay Stacey.

"Staks! Siya na ba 'yon?" Pang-aasar ko sakaniya.

"Ha? Ang alin?" Takang pagtatanong naman ni Stacey

"Hala oo nga mahmen!" -Jhoanna

"Ang alin ba kasi?!" Iritang sagot ni Stacey dahil hindi niya makita kung sino tinutukoy nila.

"Ayun oh! Pulang buhok!" Turo ni Sheena habang naka-nguso.

"Ano ba naman 'yan Staks! Ang bulag mo naman. Akala ko ba the one mo na 'yan?" Pang-aasar ko kay Stacey na lalo niyang ikinainis.

"Asan ba kasi?!" Bigla namang tumayo si Stacey at bigla ring napaupo nang makita niya ito.

"Oh bakit bigla kang nahiya? HAHAHA."

"OH MY GOSH! GUYS! SIYA 'YON!" -Stacey

Mukha nga siyang foreigner dahil sa kaniyang buhok. Maputing babae, makinis, mapula ang buhok, at infairness talagang hindi nagloloko si Staku na poging maganda talaga siya ha. Pero bakit parang namumukhaan ko siya. Hindi ko siya kilala pero namumukhaan ko siya. Feeling ko nakita ko na siya na ewan. Hay nako. Tama na pag-iisip.

Bound by Destiny: The MikhAiah ChroniclesWhere stories live. Discover now