Aiah's POV
Papasok na ako sa coffee shop at sa unang tingin pa lang ay agad kong nakita si Mikhaela, mukhang hindi mapakali sa kaniyang kinauupuan. Maganda ang pwestong nakuha niya, at para bang ito ay sinadya talagang maging komportable para sa aming dalawa. Nais kong makipag-usap sa kanya, ngunit ako rin mismo ay naguguluhan. Nagtataka ako kung ano ang magiging simula ng aming pag-uusap at kung paano ko ipapahayag ang lahat ng nararamdaman ko. Habang naglalakad papalapit, nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi. Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita niya ako at agad akong nilapitan.
"Maraiah, hello! Sorry if dito ako pumwesto, ha?" sabi niya na may kaunting ngiti sa kanyang mukha.
Hindi naman ako umimik at nagpasalamat na lamang nang inalok niya ang upuan sa harapan ko bago siya umupo sa tapat ko. Ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan naming dalawa, at tila sabik na sabik na kaming mag-usap.
"Maraiah, please let's talk." ani Mikhaela, na puno ng seryosong tono.
"I want to talk to you as well, Mikhaela." sagot ko, naramdaman ang tibok ng puso ko na tila umaabot sa aking lalamunan.
"Anong nangyari—" bigla ko siyang cinut-off dahil sa kagustuhan kong humingi ng tawad.
"I'm sorry, Mikhaela."
"H-ha? Sorry? Para saan?" nagtatakang tanong niya.
"For how I acted during our last meeting." sagot ko, na tila hindi ko kayang masaksihan ang reaksyon niya.
"No, it's okay. I feel like I did something wrong, did I?" tanong niya, na tila naguguluhan.
"No, Mikhaela. Actually, I was the one acting weird that day. I'm sorry ulit, Mikhaela, na dinala kita sa ganitong sitwasyon." sambit ko, umaasa na makakabawi ako sa kanya.
"No, Maraiah, it's okay. But I just really want to know what happened to you... or us?" sagot niya, na tila naguguluhan pa rin.
"Hindi ko alam kung kaya kong sabihin sa'yo, Mikhaela. I feel like hindi ito yung tamang oras." sagot ko, na tila naguguluhan sa sarili kong nararamdaman.
"Ha? What do you mean?" tanong niya, puno ng pagdududa.
"Hmmm. Wala, don't mind it." sagot ko, na tila tumatakas mula sa usapan.
"Maraiah." tawag niya, na tila nag-aalala.
"Wala nga, Mikhaela. Siguro I just need to say sorry." sagot ko, subukang iwasan ang seryosong usapan.
"Maraiah, isa." sagot niya, na tila nag-aantay ng sagot.
"Mikhaela, dalawa." pang-aasar ko sakaniya. Nakita ko ang pagtaas ng isa niyang kilay, at mukhang seryoso siya sa kanyang posisyon.
"Maraiah, hindi ako—" pinutol ko na siya, dahil nakita kong nagiging seryoso na siya.
"Nagseselos ako." napaka-hina kong bulong sa kanya, napayuko nalang ako sa pagkasabi nito.
"Na-nagseselos????" pagtataka niyang tanong.
"Oo, Mikhaela, wala akong karapatan, oo 'wag mo na ipamukha. Okay?" tinarayan ko rin siya, aba hindi ako papayag na siya lang ang may karapatang mag-inarte.
"Bakit? Anong nagseselos? Saan? Paano? Kanino?" tanong niya, puno ng pag-usisa.
"Ewan. Basta nagseselos ako." sagot ko, na tila wala akong ibang maisip kundi ang kanyang reaksyon.
"Kanino?" tanong niya, mas lalong nagiging mausisa.
"Ewan ko, tanong mo kay Gwen." sagot ko habang umiinom ng iced coffee.
YOU ARE READING
Bound by Destiny: The MikhAiah Chronicles
FanfictionTwo people who are strangers at first, coming from different continent but destined to meet. Their paths cross by chance, and they start off with no intention of being anything more than acquaintances. However, over time, they are drawn to each othe...