Chapter 2: Unlikely Friendship (9)

29 1 0
                                    

Jhoanna's POV

It had been months—no, years—na tinatago ko ang lihim kong nararamdaman. Laging nakatago, lalo na kay Stacey. Sa tuwing tumatawa kami, sa bawat oras na magkasama kami, mas lalo lang bumibigat ang lahat. Paano ko ba sasabihin na kaibigan lang kami, kung ang totoo, gusto ko siya ng higit pa?

Siya kasi, laging maliwanag ang mundo kapag kasama ko siya. Yung ngiti niya, parang kayang pasayahin ang buong paligid. Yung tawa niya, nakakahawa. Lagi siyang masayahin, parang laging may bagong kwento o adventure. May crush siya, pero hindi naman seryoso—parang simpleng kilig lang. Pero tuwing binabanggit niya yun, ang sakit, parang may tinik sa dibdib ko.

Paano kung matagpuan niya ang tamang tao, at ako naiwan?

Hindi ko kaya 'yun. Kaya kahit kinakabahan ako, kailangan ko nang sabihin. Doon kami, sa paborito naming bench sa park, sa lugar kung saan laging may malalim na usapan—o minsan, tahimik lang, basta magkasama.

Ang ingay ng utak ko habang nagsasalita siya tungkol sa araw niya. Pero ako, hindi na ako nakikinig. Ang lakas ng tibok ng puso ko, para bang alam na nitong may mahalagang mangyayari. Dapat ko na bang sabihin? O hintayin ko pa? Pero hindi ko na kayang maghintay. Nandito na yung mga salitang matagal nang gustong kumawala.

"Staks, may gusto akong sabihin sa'yo."

Ramdam ko ang tingin niya sa akin, pero hindi ko pa kayang tumingin pabalik. Nakatingin lang ako sa lupa, pilit kinakalma ang sarili.

"Alam mo, matagal na kitang gusto. Matagal na talaga. Alam kong baka hindi mo ako maramdaman ng ganun, pero hindi ko na kayang itago."

Tumahimik lang ang paligid yung klase ng tahimik na parang gumuguhit ng takot sa puso ko. Parang bang "Ano ba 'tong ginawa ko? Tama ba 'to?"

Tumingin ako sa kanya, kahit natatakot ako. Nakita ko, namumula yung mukha niya, yung mga mata niya nanlaki sa gulat. Hindi ko pa siya nakitang ganito ka-off guard dati.

"Hindi ko 'to inasahan." bulong niya, habang umiwas ng tingin.

Parang nabagsakan ako ng mundo. Nasira ko ba ang lahat? Yung pagkakaibigan namin, lahat ng maganda—parang mawawala na yata.

Pero bigla siyang nagsalita ulit, mas malumanay, parang may lihim din siyang inaamin.

"Pero... hindi naman sa masamang paraan." dagdag niya agad. "Ang totoo, hinihintay ko rin 'to. Akala ko kasi... hindi mo sasabihin. Hindi ko lang alam kung paano ko ipapaalam sa'yo, Jho. Matagal na rin akong may nararamdaman para sa'yo."

HA?! Teka lang, ano?!

Parang hindi agad tumama sa isip ko yung sinabi niya. Si Stacey—ang Stacey ko—may gusto din pala sa akin? Matagal na rin pala siyang naghihintay?

"You... hinihintay mo ako?" tanong ko, halos pabulong.

Tumango siya, ngumiti ng kaunti, pero kitang-kita ko ang sinseridad sa mata niya. "Oo. Hindi ko kasi alam kung nararamdaman mo rin ako ng gano'n. Ayoko din masira yung pagkakaibigan natin. Pero ngayon, sinabi mo na, siguro hindi na natin kailangan maghintay, 'di ba?"

Parang nabunutan ako ng tinik sa dibdib. Yung bigat na dinadala ko nang matagal, unti-unting nawawala, napapalitan ng saya na hindi ko inasahan. Hindi ako makapaniwala—yung takot na matagal kong kinimkim, naging isang bagay na mas maganda kaysa sa kahit anong inakala ko.

Ngumiti ako sa kanya, hindi ko na napigilan. "Oo nga, hindi na."

Sa wakas, lahat ng hindi nasabi noon, nailabas na. At sa halip na matakot, pakiramdam ko, tama lang. Parang matagal nang dapat ganito.

Bound by Destiny: The MikhAiah ChroniclesWhere stories live. Discover now