Maloi's POV
Ako nga pala si Mary Loi Yves Ricalde o mas kilala bilang Maloi naging kaibigan ko si Mikha dahil sa Dad ko and nakilala ko rin siya during at her lowest kasi siguro she was pressured by her parents or maybe her surroundings. Ayaw ko naman din nag pagsalitaan ng masama ang parents ni Mikha dahil tinuring na rin naman nila akong anak para gabayan ko si Mihka dahil mas matanda ako sakaniya at parang kapatid na rin ang turing ko kay Mikha.
Sinamahan ko si Mikha papuntang Pilipinas dahil namimiss ko na rin naman ang Pilipinas at libre naman ni Tito yung tickets so why not? Hehe. I'm always grateful kasi nakilala ko si Mikha she's with me rin naman through my ups and down kaya hindi rin maipagkakailang pinagkakamalan kaming magjowa. Anyways, andito na kami ngayon sa Pilipinas para sa photoshoot niya nagulat naman din ako dahil agad-agad na may nakilala si Mikha para magphotoshoot sakaniya. Andito ako ngayon sa hotel at nag-aantay sa dalawa kay Mikha at Colet dahil lumabas muna sila at hindi ko rin naman alam saan sila nagpunta.
Mamaya pa ay dumating na rin sila mukhang pagod si Mikha kaya salubong na naman ang mga kilay neto hindi ko na siya kinulit at hinayaan ko nalang siyang matulog. Ang kinulit ko nalang eh si Colet hehe. Hindi ko rin alam bakit, pero noong pauwi kami papunta rito sa hotel eh sobrang gaan ng loob ko sakaniya feeling ko nakita ko na ang "the one" ko. CHARAUGHT! Kayo naman oh. Bawal kiligin, muna.... Nanood lang kami ni Colet ng movie rito sa sala hanggang sa 'di ko namalayan na nakatulog na ako sa tabi ni Colet buhat na rin siguro ng pagod sa byahe.
(Girl! Ang bango naman niya haaayyyy nanlalambot ako sa'yo beh)
Umalis na rin kami nila Mikha at Colet ngayon dahil may photoshoot daw si Mikha ngayon. Mukhang malalate kami dahil hindi na mapakali si Mikha at salubong na naman ang kaniyang mga kilay. Kinurot ko naman ang pisngi netong si Mikha.
"Aray! Ano ba!" -Mikha
"Oh ano! Magagalit ka ha?! Bakit ka ba nag-aalburuto na naman diyan?!"
"Oh sorry na ba't ka nagagalit? Eh kasi ano late na tayo, 2 PM ang start nung shooting tapos it's already 2:37 PM." Lungkot namang sabi saakin ni Mikha.
"Akala ko papalag ka eh! Hayaan mo na, ang mahalaga naman eh pupunta tayo. Maya-maya lang andiyan na rin naman na tayo. Diba Colet?"
"Opo Ma'am." -Colet
"Anong sabi mo?!"
"O-opo Maloi." -Colet
"Good!" Sabay tawa ko sakaniya.
Pagkaparada namin sa harap ng studio ay lumapit na ako agad sa harapan upang magtanong kung andito yung Maraiah. Agad-agad na rin naman akong sinabihan na andito raw at sumandali lang muna ako rito sa lobby dahil tatawagin lang daw niya ito.
Maya-maya pa'y dumating na si Maraiah at napagkamalan akong ako pa si Mikha. Hello?! Sa ganda kong 'to?! Charot! Agad ko namang pinaliwanag na hindi ako si Mikha at sila naman ang sumaglit dahil tatawagin ko muna si Mikha. Pagkatawag ko kay Mikha ay lumabas na rin siya agad at pumasok sa studio kasama ni Maraiah sumunod ako sa likod nilang dalawa. Pagpasok ko naman eh inutusan ako ni Mikha na kunin ko raw ang mga gamit niya sa sasakyan, mga gagamitin niya para sa ngayong araw.
Pagkalabas namin ni Colet ay kinuha na rin namin agad lahat ng mga gagamitin ni Mikha para sa photoshoot niya ngayon. Hindi rin naman gano'n karami pero kay Colet ko pinabuhat hehe. Hindi ko alam pero sobrang gaan ng loob ko sakaniya sa tuwing magkasama kaming dalawa, alam ko naman bodyguard namin siya pero iba kasi yung nararamdaman ko kapag andiyan siya. Feeling ko sobrang safe ko. Sobrang thoughtful niya pa sa mga bagay-bagay kahit na minsan eh parang si Anger dahil sa bilis netong magalit, kaya siguro kahit yung mga ibang bodyguards eh takot sakaniya siya pa ang pinaka-bata sakanilang mga bodyguards ha, kaya siya yung inilagay saamin dahil hindi naman nagkakalayo ang edad niya sa edad namin.
YOU ARE READING
Bound by Destiny: The MikhAiah Chronicles
FanfictionTwo people who are strangers at first, coming from different continent but destined to meet. Their paths cross by chance, and they start off with no intention of being anything more than acquaintances. However, over time, they are drawn to each othe...