A PERFECT SHOT
OgRe FanfictionDISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
-
"Hon, kanina pa tayo rito, hindi ka pa napapagod?" I asked her kasi, nakailang take na kami ng picture, inabot na nga yata ng siyam-siyam pero hindi pa rin daw tama ang angle ng camera. Napatanong din ako kasi, pagod na nga ako as her photographer. I don't know kung anong klaseng shot ang gusto niya na magfi-fit daw sa endorsement na gagawin niya.
"I'm kinda tired na rin, baba. But please, let's finish this. Last na lang, promise." Sabi niya at nagpuppy-doll eyes pa.
I can't resist her, she's so cute and I love her.
"Okay, let's finish this. Dapat may sweldo ako rito ah?" I said at nakita ko kung paano nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. "Are you all right?"
"Nothing. Don't worry, I have a surprise for you later. For now, let's finish this first. And, just make sure maganda ako riyan ha? Make sure na hindi ako pagtatawanan ng audience at ng future member ng family natin." Mahaba niyang litanya.
"Aba ayos! For almost a decade na pagsasama natin at bilang photographer mo rin, ngayon ka pa nag-alinlangan?" I said na ikinatawa naman niya.
Maganda na siya, pero mas gumaganda siya kapag tumatawa siya. Lumiliit ang mata niya and I find it attractive sa kaniya. Minsan gusto ko talagang umakyat sa pinakamataas na bundok at ipagsigawan na mahal ko siya.
"What's with the smile?" Natauhan ako ng marinig ito. Tama nga ang asawa ko, nakangiti ako.
"Wala, tapusin na natin 'to." I replied habang hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko.
Makalipas pa ang isang oras. Akala ko, 'last na lang', 'yon pala, 'last na lang after a 88 shot's' for the total of 89 shot's bago makuha ang isang shot na ito na nagustuhan niya.
Hindi naman ako nagre-reklamo, slight lang.
"So, where's my surprise?" Nagbibiro lang talaga ako. Hindi ko naman talaga kailangan ng kapalit mula sa kaniya. Lahat naman gagawin ko kahit hindi niya iutos.
She sighed. "I want you to look at your dresser. And come back here if you find my surprise, okay?"
Hala totoo nga? May surpresa siya?
"Honey, I was just joking. I don't need a kapalit from you. You are more than enough for m-"
"Baba, just check your dresser, okay? Are we clear?"
"O-okay. I'll be back a bit." Ito lang ang nasabi ko at 'agad na nagtungo ng kwarto kung saan naroon din ang dresser naming mag-asawa. Nilapitan ko ang dresser ko, kinakabahan ako actually, I don't know kung ano ang bubungad sa akin e.
Pero kahit kinakabahan ako, I still opened it and isang brown envelope ang sumalubong sa akin. I held it at dahan-dahang tinanggal ang tape seal ng envelope. Inalis ko naman ang tingin ko sa envelope while slowly releasing its contents.
Ibang reward yata itong ibinigay ng asawa ko e. Titulo ba 'to ng lupa? Or baka, papag-applayin kontrata na amo ko siya at ako utusan niya.
Nang mailabas ko na ang laman ay dahan-dahan ko namang binalik ang tingin sa papel. Noong magkaharap kami ng papel ay bigla akong natigil. Hindi ko kayang magsalita. Hindi ko alam kung ano ang una kong sasabihin. Naluha rin ako kaya 'agad akong tumakbo pababa at pinuntahan ang asawa ko.
BINABASA MO ANG
Regine Velasquez Shortlist
RomanceRegine Velasquez Shortlist presents you, sari-saring kwento at leading man ni Songbird.Imahinasyon lang po ang iyong mababasa at walang katotohanan.Salamat🧡