LOVE THY NEIGHBOR 1

121 10 3
                                    

Love Thy Neighbor 1
miss_shash

A/N:Mulit-muling paalala,'wag seryosohin ang kwentong ito dahil hindi ka naman sineryoso ng lalakeng gusto mo.

-

Oh looks so good,may bagong lipat.Ang gara ng kotse,yayamanin!

"Sino 'yan ha?"maangas kong tanong kay Cacai at tinapik siya sa balikat

"Umayos ka nga 'te!"saway nito sa'kin,kinuha ko naman 'yung bubble gum na nginunguya ko pinakain 'yon sa kanya"Yuck,'te kadiri ka!"reklamo nito at tumawa ako

"Ate mo 'ko"mariin kong sabi

"My,si Ate oh!"sumbong nito kay Mommy V,kinampayan ko naman siya

"We're okay,My.Don't worry I'll take care of Cacai"inunahan ko na si Mommy,baka ano na naman sabihin sa'kin e"oh Cai,lalabas lang ako saglit ha?'Wag mo 'kong isumbong kay Mommy, shopping tayo mamaya"mahina kong sabi

"Ah talaga lang 'te ha?mayaman ka na niyan?"

"Naman!mayaman tayo e"natawa na lang ako sa pinagsasabi ko

-

"Hi"casual kong bati

Binaba niya ang mga kahon na dala niya"Hi"bati niya sa akin

"Ikaw pala 'yung titira diyaan?"tanong ko at napakamot siya sa ulo

"Actually,anak ko talaga.Ang kaso sabi niya kami na lang dalawa"he said, napatango na lang ako

"May anak ka na pala,for sure may asawa ka na"patay-malisya kong sabi at kinrus ang mga kamay ko

"Ah,Miss.Mauna na muna ako ha?"ngumiti ito sa'kin kaya ngumiti ako pabalik

"Gusto mo tulungan na kit---"

"Dad!"

Sabay kaming lumingon...

Nakalapit na ang dalagang ito sa amin,ngumiti ito sa akin pero mukhang may pagka masungit ang aura niya. 'Di hamak na mas maganda ako sa kanya.

"Dad,Mom will come here tonight for a dinner,so G?"

Nagkalingonan kami ng lalakeng ito, i did not expect.

"Yeah sure"tugon niya sa anak niya"Ikaw?"

Teka lang,ang bilis mo kuya, ba't ako?

"Ikaw--ako--tayo--na?"biglaan kong sabi

"No!no!no!walang tayo"ngumiti siya,ouch

"Wala.akong.pake"tumakbo ako papasok ng bahay.

-

Three days had passed,parang namo-mroblema ako dito ngayon sa bintana,busted

Umuulan ngayon at ang lungkot-lungkot ko,my eyes caught a one familiar face figure,ang gwapo pa rin kahit malayo.

May hawak siyang gitara,sa palagay ko ay kumakanta siya kasabay ng malakas na buhos ng ulan,damn gaano kaya kaganda ang boses niya?

Na-curious tuloy ako bigla.

Bigla naman akong parang tinamaan ng kidlat ng tumingin siya sa akin at ngumiti, napangiti rin ako.

Not until may babaeng lumapit sa kanya at humalik ito sa kanyang pisngi,parang bigla naman akong sinaksak ng paulit-ulit.

Alam niyo 'yung feeling na andiyan na e pero hindi pala ikaw ang gusto.

"Anak, nilalamig ka lang"narinig kong nangasar si Mommy

"My!"nilingon ko si Mommy

"Maglibang ka na lang muna kaysa paulit-ulit mong saktan ang iyong"Hinaplos ni Mommy ang likod ko, napabuntong hininga na lang ako

"Saan ba pwede,My?"

"Ikaw bahala"

Lumingon ulit ako sa labas ng bintana at andiyan pa rin sila, they are jamming I think,wala akong pake

"Siguro sa lugar kung saan hindi ko siya makikita"

"Palibhasa kasi na love at first sight ka diyan sa lalakeng 'yan"ito na naman siya

"Sinisi pa ako, kasalanan ko ba,My kung ganiyan siya ka gwapo?"tumayo ako

"Tsk,basta malaki ka na,alam mo na ang gagawin mo sa buhay mo"niyakap ako ni Mommy at agad din siyang lumabas ng kwarto ko.

-

"Tao po"napabalikwas ako ng marinig iyon, Kinusot-kusot ko ang aking mata at pagkatapos nito ay binuksan ang ilaw.

Tinalo ko ang robang suot ko at saka umahon ng kama, tiningnan ko muna 'yung mini clock ko at alas tres na ng madaling araw,witch hours

Sinilip ko ang tumawag sa blind ng bintana ko...

OMG

Aswang siya?

Wala akong balak tugunan siya,hay, istorbo.

Bumalik ako sa pagkahiga ko...

-

Isang linggo na ang nakalipas at ito na 'yung araw na aalis ako ng bansa,lilipad ako papuntang US, maghahanap ako ng AFAM

"My,Cai.Kapag okay na ako at makapag-move-on na ako,uuwi rin ako dito"

"Kahit 'di na 'te"Aba't!"ito naman 'di mabiro"aniya

"Ariel, siguraduhin mong makakasakay muna ito ng eroplano ha bago ka umalis?"bilin ni Mommy kay Ariel

"Yes,Tita"

"Thank you,Ariel"Sabi ni Mommy

"Una na ako,My,Cai."

"Ingat kayo 'te"sabi ni Cacai at tumango lang ako dito.

-

Nasa Airport na kami ngayon at andito kami sa boarding area,naghihintay.Nilingon ko si Ariel nu'ng may inabot siyang isang bagay sa akin.

"Ano 'yan?"tanong ko

"Para sa'yo"nakangiti niyang sabi at hinawakan ang kamay ko saka niya nilagay ang bagay na ito sa palad ko"Gusto ko lang maging espesyal na tao sa'yo kasi alam kong kahit ano'ng gawin ko, hinding-hindi ako ang lalakeng hinahanap ng puso mo"

"Salamat ah,kahit na paulit-ulit kitang binusted andiyan ka pa rin para sa akin.Hindi mo ako iniiwan,isa kang tunay na kaibigan,Ariel.Hindi kita pwedeng kalimutan lalo na't espesyal ka na sa akin"ngumiti-ngiti ako

"Thank you,Reg"

"'no ka ba!wala 'yon!"niyakap ko siya ng mabilis"tinatawag na ako kaya 'wag ka nang mag drama diyaan"tumayo ako at may hinugot ako sa bulsa ko na isang pirasong bubble gum"Oh ayan,kainin mo 'yan pag-uwi ko ha"inabot ko ito sa kanya

"Three years?"tumango ako"Baka expired na ito"

"Nakita ko ang expiration niyan,2026 pa.Una na ako,Ary"hinalikan ko siya sa pisngi"bye"

"Teka lang"tumigil ako

"Bakit?"

"Sino si Ary?"

"Ary,you.Ako lang ang tatawag nun sa'yo, maliwanag?"seryoso kong sabi

"O-okay"aniya at natawa na lang ako

-

THREE YEARS LATER...

wait for part II

Regine Velasquez Shortlist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon