Reincarnation
HerGinaA/N:Please don't take this seriously.
Maraming bagay ang alam ko tungkol sa nakaraang panahon.Nagtataka din minsan ang mga kaibigan ko kung bakit alam ko 'yon e hindi ko naman hilig ang history kasi favorite subject ko 'yong Science.Minsan May nakakasalamuha rin akong ibang tao na alam ko ang pangalan nila pero i swear 'di ko pa talaga sila nakikilala!
Pati rin ako nagtataka kung bakit...
Naglalakad ako ngayon dito sa hallway ng school ng may mabangga akong lalake.
"Sorry Miss..."sabi niya sabay pulot ng mga Science books ko,tumayo siya at inabot sa'kin ang mga libro ko
Kilala ko siya...
"Herminio?"tanong ko,pero ang tanong e kung bakit ko siya kilala?Sa isip ko kilala ko siya pero sa buong buhay ko hindi ko pa talaga siya kilala!
Ano'ng buhay na ba ito?
Ewan ko pero parang kusa akong ngumiti sa kanya
"Ah Miss? pa'no mo nalaman ang pangalan ko?"tanong niya at napa-kurap ako ng dalawang beses
"Pa'no ko nalaman ang pangalan mo?"taka kong tanong at natawa siya
"I don't know too Miss?"tugon niya
"By the way I'm Herminio Lualhati VI,taga diyan lang sa tapat ng Science library..."Pakilala niya
"History ka pala---ang ibig kong sabihin mahilig ka sa history?"naguguluhan kong tanong at tumango siya
"Teka Miss, pa'no mo nga ako nakilala?ngayon lang kasi kita nakita dito sa university e.."naguguluhan niyang tanong
"'di ko din alam,ngayon lang din naman kita nakita dito, pa'no kita nakilala?"tugon ko
"Alam mo Miss,hindi na kita maintindihan so I'll better go?May klase pa kasi kami"sabi niya at tumango ako ng wala sa wisyo
Ito ang sinasabi kong mga taong nakakasalamuha ko at alam ko ang pangalan nila pero ang totoo 'di ko talaga sila kilala.
"Regina Encarnacion!"sigaw ni Lea
"ba-bakit?"tugon ko"ba-bakit?
"panggagaya ni Lea
"Sino 'yong lalakeng 'yon ha?pogi ha?!"sabi ni Dawn
"Kilala ko siya pero 'di ko siya kilala"tugon ko
"ha?"sabay nilang sabi
"Naku!baka naman gumana na naman 'yang pagka takas mental mo?!"natatawang sabi ni Lea
"Totoo nga!nabangga ko siya tapos no'ng makita ko ang mukha niya...tinawag ko siya sa pangalan niya,as in kusang lumabas ang salitang Herminio sa bibig ko..."paliwanag ko
"Pareho pala kayong makaluma ang pangalan!Regina, Herminio,TSK!"umiling si Dawn
"Hindi naman luma ang pangalan ko,pangalan pa kaya 'yan ng pinaka lola ko..."tugon ko
Naglalakad kami...
"Sino-sino nga ulit kayo?"tanong ni Lea"Si Lola Regina Encarnacion ang Mama ni Lola Rehina,anak naman ni Lola Rehina si Lola Reggina,at anak naman ni Lola Reggina si Lola Reggiena na Mama ng Mama ko na si Reggie..."paliwanag ko
"Tapos ikaw?"tanong ni Lea
"Regina Encarnacion,din...pang-anim na babae sa pamilya nila..."paliwanag ko
"Wala ka bang balak i meet up ang Tatay mo?"Takang tanong ni Dawn
"'di ba nga Dawn nasa lahi na nga ata nila ang hindi sila mahalin ng mga lalake ?'yong anakan lang sila tapos iiwan din..parang sumpa na ewan"singit ni Lea
"Lola Regina niya walang asawa pero nagka-anak,at gano'n rin ang mga sumunod kaya mas dumadami ang apelyido nila..kumakalat na ang Encarnacion!"sabi ni Lea sabay patong ng kunwaring korona sa ulo ko
"Baka ikaw ang susunod Regina?"baling ni Dawn"As if magmamahal ako?"tugon ko
"huwag ka ngang magsalita ng ganyan...lahat tayo Iibig!"sabi ni Lea
"Maiba nga tayo,kelan namatay ang Lola Regina mo?"tanong ni Lea
"1885.. dalawang araw pagkatapos niyang ipinanganak si Lola Rehina.."tugon ko
"Araw?"tanong niya"kelan nga ulit 'yon?"she added"OMG!April 22 1885?"tanong ni Lea at tumango ako"'di ba April 22 ka?1998 nga lang"sabi ni Lea at tumango ulit ako
"Baka sumanib siya sa'yo?"pananakot ni Lea"2022 na Lea!uso pa ba ang sanib ha?!"depensa ko.
"Baka naman talaga hindi sanib...baka bumaba ulit ang kaluluwa niya kasi May kailangan pa siyang kunin..."sabi ni Lea
"Naniniwala ka ba sa Reincarnation?"tanong ni Dawn at umiling ako"Edi wow!"patay-malisya niyang sabi kaya pinalo ko siya
"Psstt..kilala ko 'yan!"sabi ko sabay turo sa Janitor na sa tingin ko ay bago pa lang
"Gaga ka ba?!e bago lang 'yan dito?!"natatawang sabi ni Dawn
"I know pero maniwala ka,kilala ko siya..."sabi ko
"Oh sige,pustahan tayo...isang daan"sabi ni Dawn at tumango ako saka nagbigay ng isang daan kay Dawn
"Sige,ano pangalan niya kung kilala mo siya?"tanong ni Dawn
"Mang Mario Jose IV"tugon ko
"Apelyido?"tanong ni Dawn
"Sa pagkakaalam ko wala pa siyang sinasabing apelyido..."tugon ko
"Wait!Sa PAGKAKAALAM MO?feeling close ka naman ata sa kanya?"sabi ni Lea"Basta!Lika lapitan natin"sabi ko
Lumapit kami...
"Ah,Manong,bagong Janitor po ba kayo dito?"tanong ni Dawn at tumango ang matanda"Pwede po ba naming malaman ang pangalan niyo?"tanong ni Dawn
"Mario Jose IV"tugon ng matanda at lumingon sa direksyon ko"galing kaba sa pamilyang Encarnacion?"tanong niya sa'kin
"Ah-uh-O-po"utal kong tugon
"kilala mo'ko?"tanong niya at tumango ako"bakit mo 'ko nakikilala?gayong dalawampu't apat na taon ka pa lamang?"Takang tanong niya
"H-hindi ko po alam.. pa'no niyo nalaman na 24 pa lang ako?"
"Kahit ano'ng mangyari 'wag kang mahuhulog sa mga lalake,'wag kang matulad sa mga ninuno mo para maputol na ang sumpa sa pamilya niyo...para tumigil na ang pagtakbo ng apelyido niyo..."sabi niya at nagtaka naman ako
"Po?"naguguluhan kong tanong
"Habambuhay kang guguluhin ni Lola Regina mo!"sabi ng matandang lalake at agad umalis.
"Oh Girl dalawang daan na 'yan"sabi ni Dawn sabay abot sa'kin ng pera
"Talo si Dawn,Hahaha"asar ni Lea
BINABASA MO ANG
Regine Velasquez Shortlist
RomanceRegine Velasquez Shortlist presents you, sari-saring kwento at leading man ni Songbird.Imahinasyon lang po ang iyong mababasa at walang katotohanan.Salamat🧡