BALIW NA PUSO 3

81 8 0
                                    

BALIW NA PUSO 3
miss_shash

A/N:pakihabaan ang pasensya para hindi kayo iniiwan.

“...alam kong sa bawat pusong nakasara,may isang taong magbubukas at magpapabukas nito...”

-

Pitong taon na ang nakalipas.Sa tulong ni Ariel isang Psychologist ay nakabangon si Reggie sa illness na kanyang dinanas mula noong siya ay tatlong gulang pa lamang at hanggang sa ito'y lumaki.

Ang sabi ng Doktor kay Reggie nang magpunta sila ng Amerika ay hindi raw talaga normal ang sakit ni Reggie dahil ito raw ay naging bunga lamang nu'ng namatay ang kanyang lola na sobrang malapit sa kanya(naikwento ng kanyang mga magulang na namatay ang lola ni Reggie na Mama ng kanyang ina noong tatlong taon pa lamang siya).

Kung tutuusin daw,isa si Reggie sa mga taong kahit bata pa lamang nuon ay alam niya na kung paano masaktan at mawalan ng minamahal o mahal sa buhay.

Apat na taon ang nakalipas nu'ng gumaling si Reggie, at dahil sa pagkanta niya sa isang Secret bar duon sa Amerika ay sumikat ito.Ngayon naman ay isa na siyang sikat na mang-aawit,isa lang naman siya sa Pilipinong sikat sa International at maging sa lokal.

Ngayon taon ay bumalik siya ng Pinas para sa kanyang pinakaunang konserto dito sa Pinas.

“It‘s been a long time when I stayed here in the Philippines,I missed the traffic,I missed the time when September come i will hear Jose Mari Chan‘s iconic Christmas song‘s...”

“How about the people here in the Philippines?”

“Well,I missed each day I saw lonely people's but they will remain happy no matter what...”

“Daddy!!!!”sigaw ni Sarah dahil sa napapanuod niya ngayon sa telebisyon.Pinatay niya ang TV.

Narinig naman iyon ni Ogie kaya agad itong tumakbo mula kusina hanggang sala.

“Oh ano‘ng problema,Anak?”hingal na tugon ng kanyang Ama.

“Can you do me a favor?”

“i‘m not sure”

“Can you buy me a ticket for Regine Velasquez‘s first ever concert here in the Philippines?”

Regine Velasquez na naman,hindi ko pa nakikita y‘ong mukha niya pero lagi siyang kinukwento sa‘kin ng anak ko;Ogie thought

“Pag-iisipan ko,anak”

Napaupo na lamang si Sarah dahil sa walang kasiguraduhang desisyon ng kanyang Ama.Binuksan ulit ni Sarah ang TV.

“...Ariel really helped me a lot,very thankful to him,always”

Dito nalaman ni Ogie na si Regine pala ay walang iba kun‘di ang Reggie na kanyang kilala at kaibigan.

Yeah,they have the same surname pero hindi ko iyon naisip;Ogie thought

“I‘ll just wait for someone who do live during her concert”malungkot na sambit ng kanyang anak.

“Magkano ba ang ticket,anak?”

Nanlaki ang mga mata ni Sarah ng marinig ang tanong ng kanyang ama sa kanya.

Regine Velasquez Shortlist Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon